Bea Alonzo on choosing a potential boyfriend: “Sometimes it’s not just about yung gwapo or yung physical, [it’s] about connection. Obviously wala pa akong nakikilala na merong ganoong strong connection. Gaya nga ng sinabi mo, hindi na ako bumabata. So, I’m not taking these things slightly.”
PHOTO/S: @beaalonzo Instagram
Hindi inatrasan ni Bea Alonzo ang pag-uusisa sa kanyang dating life.
Sa ganda, talento, at karakter ni Bea, marami sa kanyang fans ang gustong makitang siya ay maikasal sa tamang lalaki.
Nasa marrying age na rin siya at 37.
Pero hindi raw ito minamadali ni Bea.
“Well, hindi naman marriage yung laging end game ng lahat. We have different paths, different destinies and fate,” saad ng aktres.
Paliwanag pa niya: “Of course, it would be nice. But hindi yun ang end goal. If it happens, I would be happy.
“But, it doesn’t mean that I would feel like a failure if it doesn’t happen, coz I feel like, on my own, I’m happy.”
Hindi rin naman daw niya isinasara ang sarili sa potential romance.
“But right now, honestly, I’m enjoying being single.
“I mean, ang dami kong nakikilalang bagong tao. But, yeah, I’m still enjoying my own company.”
Tinanong si Bea tungkol sa lalaking kasama niya sa picture na ni-repost niya sa Instagram Story noong Nobyembre.
May mga nag-akalang boyfriend reveal iyon.
“Oo nga. He’s a good friend of mine. But we’re not dating,” paglilinaw ni Bea.
Read: Bea Alonzo’s cozy photos with non-showbiz guy intrigue netizens
NOT YET EXCLUSIVELY DATING
Aminado naman si Bea na she’s dating, pero walang exclusive.
“May mga nagpaparamdam,” nakangiting saad niya.
“Siyempre, I’m single. But yeah, I’m not dating anybody exclusively or anything like that.”
Open ba siya sakaling may manligaw sa kanyang Spanish guy na ma-meet niya abroad?
“Oo, may mga nakilala akong mga kaibigan na Español. But I’m not dating any of them,” sagot ni Bea.
Dagdag niya, “Guwapo naman talaga sila. But yun nga, wala pa, e.”
Hindi raw nagmamadali si Bea.
“Sometimes it’s not just about yung gwapo or yung physical, [it’s] about connection.
Read more about
Bea Alonzo
dating
“Obviously wala pa akong nakikilala na merong ganoong strong connection. Gaya nga ng sinabi mo, hindi na ako bumabata.
“So, I’m not taking these things slightly.”
Sabay hugot ni Bea, “Siyempre sa lahat ng nagdaang relasyon, you learn.”
Pero bago mapunta sa kung saan ang usapan, si Bea na rin ang pumigil sa pang-uusisa ng press.
Natatawa niyang hirit, “So, bakit eto na naman ang pinag-uusapan natin?”
Read: Sue Ramirez spotted kissing Dominic Roque; are they an item?
ON WORK-LIFE BALANCE
Ngayong malapit na magbukas ang Bagong Taon, may resolution ba siya para sa 2025?
Sagot ni Bea: “Actually, naisip ko yung New Year’s resolution ko, e. Naisip ko yun last week.
“Mas gusto kong magkaroon ng balance yung buhay ko when it comes to yung work-life balance.
“Kasi ngayon, siyempre when you’re single maraming nag-i-invite na friends ko, ‘Oh, let’s go out. Or let’s have dinner.’
“Alam nila na mas madali kang yayain because you’re not with someone.”
Mas may oras daw si Bea para sa mga kaibigan ngayon.
“So ngayon, parang nae-enjoy ko yung social life ko for the very first time in three years because I’m always in a relationship. That’s what I realized.
“And ngayon, may mga friendships ako na na-rekindle. May mga kaibigan ako na matagal ko nang hindi nakikita na ngayon nakikita ko. May mga bago akong kaibigan.
“So ngayon, parang nae-enjoy ko yung social life ko.
“But siyempre, I’m also working on a soap. So, next year mas babalansehin ko siguro.”
ON SELF-LOVE
Gusto raw matutunan ni Bea na pahalagahan ang sarili.
Sabi pa niya tungkol sa kanyang resolution: “To be kinder to myself.
“I mean, I love working. And normally talagang alam ko yun, top priority yung work.
“But although I love my job and ang dami-dami kong gagawin next year, I would also like to prioritize yung personal life ko.
“Because right now, I’m rediscovering myself, I mean, without a partner.”
Hindi raw napi-pressure si Bea na mag-isa.
“And ang dami kong nalalaman tungkol sa sarili ko, ‘Ay, ganito pala ako.’
“Like, when I travelled to Spain by myself last September, parang ganito pala ako kapag ka mag-isa lang akong nagda-drive or pag mag-isa lang ako sa bahay, alam mo yung ganoon?
“So, parang ang sarap ng feeling na nandoon ako sa stage na marami akong natutunan tungkol sa sarili ko at 37,” pagtatapos ni Bea.