Bituin Escalante happy for Sheryn Regis’s same-sex relationship

Kakaibang kaligayahan daw ang nakikita ni Bituin Escalante sa kaibigan at kapwa singer na si Sheryn Regis.

Malaki ang kinalaman dito ng same-sex relationship ni Sheryn at ng partner nitong si Mel de Guia.

Noong September 12, 2024 ay nagdiwang sina Sheryn at Mel ng kanilang ikatlong anibersaryo bilang couple.

“I’ve never seen her as happy as she is now!” bulalas ni Bituin nang hingan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol kay Sheryn.

“I don’t know, when you’re seeing her… it’s such a competitive industry, sometimes kung hindi ka secure or hindi mo nahahanap yung sarili mo, yung mga ikinaliligaya mong totoo, napi-feel yun ng mga katrabaho mo, e.

“Ito talaga… she’s always been a joy to work with, pero iba yung gaan, iba yung happiness na nakikita namin sa kanya. Bakas na bakas.”

Nagulat ba si Bituin nang mag-come out si Sheryn tungkol sa kanyang pakikipagrelasyon kay Mel?

“Hindi naman po,” pakli ni Bituin nang makausap siya ng PEP sa grand mediacon ng Isang Himala noong Miyerkules, December 4, 2024, sa VS Hotel sa EDSA, Quezon City.

“Kasi in this industry… well, hindi naman just the industry, in this society, nandiyan naman talaga, e, nandiyan naman talaga.

“So ako, nung narinig ko that she was lesbian, I was just happy that she found someone she could be herself with—na mahal niya, kitang-kita, bakas na bakas.

“So I hope it stays that way.

“Yung mga straight relationships or not straight relationships, may mga pinagdadaanan. I just hope that she stays as happy as she is now.”

Sheryn Regis and Mel de Guia
Kailan huling nakita o nakausap ni Bituin si Sheryn?

“Matagal na po, ang tagal na namin hindi nag-a-ASAP, pero pina-follow ko siya sa Instagram.

“Ang saya-saya niya… ‘Mel, ha?’

“Tsaka napakasarap magluto nun, iyon lang ang delikado, ngayon kasya siya sa mga gown niya.”

Naging kaibigan na rin daw ni Bituin ang partner ni Sheryn na si Mel.

“Sobra, palaging nagdadala ng chicharon sa ASAP, sinasabotahe yata ako ni Mel!” at tumawa si Bituin.

“Palagi akong pinapakain ng chicharon sa backstage kaya, hala, my figure, my figure!”

Mahusay raw magluto si Mel.

“Yes, si Mel yata, kasi minsan dadating iyan lunchtime ang ASAP, may mga dalang mga niluto niya.

“So parang, ‘Papatabain na naman tayo nito!’ ganyan,” at muling humalakhak si Bituin.

BITUIN ESCALANTE’S SPARKLING LOVE LIFE

Maging si Bituin ay masaya ang buhay-pag-ibig.

“Ay, ang saya ko!” bulalas ng singer-actress.

“Nandito, kasama siya sa pelikula.”

Ang tinutukoy ni Bituin ay ang kanyang mister na si Reymund “Mano” Domingo, isang theater actor.

bituin escalante husband mano domingo
Magkasama sila sa MMFF 2024 official entry na Isang Himala.

“Ensemble siya, pero may importante siyang gaganapin na nakakapagbago ng kuwento,” sabi ni Bituin tungkol sa role ng kanyang asawa.

Pagpapatuloy na kuwento ni Bituin. “Medyo late ako nagpamilya kasi hindi… it was never part of my plan.

“Hindi ako isang motherly na tao. Na-feel ko, oo, parang feeling ko hindi ko kaya yung responsibilidad.”

Pero ang lahat ng paniniwala ni Bituin tungkol dito ay nabago—dalawa na ang anak nila ni Mano ngayon.

biuin escalante daughters

Bituin Escalante and her two daughters 
Photo/s: Bituin Escalante Facebook

“Dalawa, twelve and thirteen. Parehong babae pero minsan titibo-tibo din, e, so hindi rin natin…” tumatawang biro ni Bituin.

“Kaya pag tinatanong lalaki o babae, uso pa ba yun? Ha! ha! ha!”

Gaano ka-late ang tinutukoy niyang pagbuo ng pamilya nila?

Ayon kay Bituin, “2011, first baby, how old was I? Siguro mga 34.

“Pero kasi hindi ko rin inisip talaga, I was never the raising-my-own-family type.”

ISANG HIMALA

Mula sa CreaZion Studios at sa pakikipagtulungan sa Unitel, Straightshooter, Kapitol Films, at CMB Production, ang Isang Himala ay mula sa direksiyon ni Pepe Diokno at panulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee.

Si Ricky rin ang sumulat ng orihinal na pelikulang Himala (1983) na pinagbidahan ng National Artist ding si Nora Aunor.

Ang Isang Himala ay pinagbibidahan ni Aicelle Santos.

Nasa pelikula rin sina Kakki Teodoro, David Ezra, Sweet Tiongson, Floyd Tena, Neomi Gonzales, Vic Robinson, at Joann Co.

isang himala cast

Related Posts

Our Privacy policy

https://newsjtv.com - © 2025 News