Boss Toyo, content creators enter free TV via Geng Geng Network

Geng Geng Network  Boss Toyo

Content creators Whamos Cruz (left) and Jayson Luzadas, also known as Boss Toyo (right), lead the launch of Geng Geng Network, a free TV channel dedicated to content creators. This channel is being broadcasted on Channel 31 D8TV.
PHOTO/S: Geng Geng Network on Facebook

Mula social media, papasukin na rin ng ilang content creators — kabilang sina Jayson Luzadas o mas kilala bilang Boss Toyo, Rendon Labador, Whamos Cruz, Ava Mendez, Lai Austria, Tukomi, at marami pang iba — ang free TV.

Noong December 2, 2024, pinangunahan ni Boss Toyo ang press launch ng kanilang sariling free TV channel, ang Geng Geng Network, sa Channel 31 D8TV.

Ginanap ang press launch sa Trigger Cine Studio sa Quezon City.

Read: Boss Toyo on PHP14M showbiz memorabilia: ROI Not a Priority

Dito ay sinabi ni Boss Toyo na mahigit isang taon nilang plinano ang pagbuo ng kanilang sariling free TV channel.

Masaya silang nagkaroon na ito ng katuparan.

Saad ni Boss Toyo, “Yung Geng Geng Network, binuo namin ito with my fellow content creators. Siguro ako lang yung nakaisip ng name, pero hindi ko ito magagawa without them.

“So, matagal lang itong pinaplano, last year pa… So, ngayon lang nagkaroon talaga ng magpapalabas dahil sa tulong ng D8TV… magagawa na namin ito.”

Ayon kay Boss Toyo, isa sa mga rason kung bakit napagpasyahan nilang pumasok sa free TV ay para mas madami silang maabot na Pilipino, lalo na’t hindi lahat ay may access sa internet.

Pahayag nito, “Katulad ng sabi ni Pareng Whamos kanina, hindi naman kasi lahat may internet, like sa mga province.

“Marami pa rin siya nag-analog channel. Itong Geng Geng Network, it could be streamed… kaya ma-reach ang 50 million kasi we have satellite under D8TV.

“So, mas maraming makaka-reach.

“Kahit wala kang internet, if you have a TV, gaya sa mga probinsya na nandun pa rin ang TV, mapapanood na rin ang lahat ng aming pinaghandaan at pinagpagurang shows.

“So, yun yung kaya kami pumunta sa TV because of that. Para mas lalong lumawak…

“So, sabay namin sa social media, then meron kami may free TV.”

GENG GENG NETWORK: BRINGING SOCIAL MEDIA TO FREE TV

Kahit nasa free TV na sila, nilinaw ni Boss Toyo na mananatiling “content creator” ang istilo ng kanilang mga programa sa Geng Geng Network, dahil dito sila nakilala.

Aniya, “It’s a network na may pool of shows from 6 A.M. hanggang 10 P.M. Iba’t bang shows from content creators at mga influencers na kaibigan at kasama namin.”

Sa kasalukuyan,umeere na ang dalawang programa ni Boss Toyo sa Geng Geng Network: Bigayan na with Boss Toyo at Pinoy Pawn Stars.

Sa gitna nito, abala rin si Boss Toyo sa pag-iimbita ng content creators at paglikha ng iba pang palabas para sa kanilang network, upang mapunan ang lahat ng timeslots na kanilang inilaan.

Pagbabahagi ni Boss Toyo, “Welcome sa lahat. Hindi lang kami makikita niyo dito dahil sobrang, siyempre, sobrang daming airtime niyan.

“So, madami pang bakante. May weekly show, may daily show.

“Open to sa lahat, sa lahat ng mga nanonood — content creator kayo or influencer sa social media — maglalabas kami ng kung paano maging parte ng Geng Geng Network sa D8TV.

“It will be a very different kind of network dahil ang bumubuo nito lahat ay mga social media influencers at content creators, na gustong maghatid ng iba’t ibang klase ng palabas at shows to entertain, para matuto sila [viewers].

CONTINUE READING BELOW ↓

Pops Fernandez surprised with birthday cake at mediacon for upcoming concert | PEP Goes To

“Marami, hindi lang puro saya ito. Actually, baka pulutan ng aral. Marami.

“Sobrang dami na show at pasabog yung gagawin namin dito sa Geng Geng Network, sa tulong ng D8TV.”

Ang ilan pa sa shows na nakalinyang mapanood sa Geng Geng Network ay OFW Diaries, Remember Me, I Heart You, MBL (Motivated Billiard League), Moto Vated, Geng Geng News, Zypher Philippines, Food Vlog, Mommy Gangster, Real Talk, Bini Rosa, at What’s Up Klasmeyts.

Read: Francis M’s polo shirt sold to Boss Toyo for PHP620K as part of fundraising for Parokya guitarist Gab Chee Kee

RESPONSIBLE CONTENT

Samantala, tiniyak ni Boss Toyo na susunod sila sa mga patakaran at regulasyon ng MTRCB para sa TV broadcast.

Ngunit, gaya ng nabanggit niya, mananatili ang “content-creator style” sa kanilang mga palabas.

Aniya, “Yes, it will be under MTRCB, so we need to follow the guidelines of MTRCB kasi nga nasa mainstream tayo.

“But siyempre, iba pa rin ang atake ng mga social media influencers namin dun sa mga mainstream. Ibang-iba yung atake naman.

“So we will stick with that kind of style, with that kind of atake sa tao na hangga’t maaari, hindi siya magmumukha talaga na mainstream.

“Magmumukha pa rin siyang content from our site para ma-maintain namin yung pagiging social media influencers at content creator namin at mag-differentiate from dun sa mga talaga na sa mainstream industry.”

Idinagdag ni Rendon na hangad nilang maging ehemplo sa ibang aspiring content creators sa pagsunod sa mga pamantayan ng MTRCB at sa maingat na paggawa ng mga content.

Pahayag ni Rendon, “Gusto ko, namin, maging role model sa mga kapwa namin content creators na magkaroon ng responsibility sa tao.

“Kasi, ang mahirap po sa social media, wala pong nagre-regulate, hindi regulated.

“So, ang dami nagmumura, ang dami gumagawa ng content na hindi pwede sa bata.

“So, makikipagtulungan po kami sa MTRCB para magkaroon ng standard yung paggawa ng tamang content para sa mga Pilipino.

“So, gusto po namin makagawa ng standard na tingalain kami as a good example para, baka kasi maka-influence kami ng mga aspiring future content creators katulad namin, na gumawa ng mga tamang content na kakapulutan talaga ng aral.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://newsjtv.com - © 2024 News