Enchong Dee thrilled to star in his very first action movie

Ang Topakk ang kauna-unahang action film na ginawa ni Enchong Dee sa loob ng labingwalong taon niya sa showbiz.

Ayon sa Kapamilya actor, ang kanyang layunin kaya niya tinanggap ang proyekto ay upang ipakita sa mga manonood ang versatility bilang isang aktor na bukas gampanan at bigyang buhay ang bawat role na ipinagkakatiwala sa kanya.

Paano niya pinaghandaan ang role bilang isang sundalo sa Topakk?

enchong dee topakk

Enchong Dee in a scene from Topakk 
Photo/s: Nathan Studios Inc. Facebook

“Minindset ko lang ang sarili ko, sabi ko, kung ano ang ipapagawa sa akin, I’ll just jump to it and I’ll do it.

“Sabi ko, I want to show people kung nasaan ako, kung nasaan page ako ngayon bilang isang aktor.

“Nakita niyo ako, gumanap ako bilang isang trans, isang pari, at ngayon sundalo naman.

“Nakakatuwa kasi naihahatid ko nang maayos sa audience nang maayos lahat ng gusto ko.

“Madugo, nakakapagod, pero maiintindihan ninyo ang bawat kuwento,” saad ni Enchong sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grand presscon ng Topakk na ginanap noong December 4, 2024.

BONDING WITH ARJO ATAYDE

Labis daw ang pasasalamat ni Enchong sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya para maging parte ng Topakk, na official entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024.

Bida rito sina Arjo Atayde at Julia Montes, at mula sa direksiyon ni Richard Somes.

Ang nagprodyus nito ay ang Nathan Studios, Inc. na pag-aari ng pamilya nina Arjo, sa pangunguna ng kanyang inang si Sylvia Sanchez.

enchong julia arjo topakk

Saad ni Enchong, “Nagpapasalamat ako, malaki ang pasasalamat ko.

“Kasi nga, katulad ng sinabi ko, I was never considered to do actions films, action projects.

“This is the first time, sumugal sa akin ang Nathan, sumugal sa akin si Direk Richard And very, very grateful to be part of Topakk.”

Ayon pa kay Enchong, naging bonding din nila ni Arjo ang shooting ng Topakk.

Napatunayan daw niyang walang nagbago sa pagkakaibigan nila kahit sumabak na sa politika si Arjo, na kasalukuyang kongresista sa Quezon City.

Lahad ng aktor, “Honestly, kasi yung kuwento ko, si Arjo lang talaga ang nakasama ko.

“And parang reunion rin naman ang ginagawa namin kasing ibang mundo na rin yung ginagalawan ni Arjo. Gets na rin natin na may iba na rin siyang trabaho.

“Ngayon, hindi kami nagkakasama outside work. Pero I’m glad, sa trabaho, yung pagkakaibigan na naiwan namin dire-diretso lang, hindi nagbabago.”

DEALING WITH MENTAL HEALTH ISSUE

Aminado si Enchong na nakarans din siya ng mental health problem.

Malaking tulong daw ang suporta ng kanyang mga mahal sa buhay kung kaya’t nalagpasan niya ito.

“I am just thankful that I have the support system of my family, my management, and my friends,” aniya.

Pagbabahagi pa ni Enchong, “Ano ang cause? Mga pangamba sa buhay, alam niyo yan.

“And I’m very happy that the people around me are very respectful. When I needed time, they give me time.”

Ayon din kay Enchong, napakahalaga ng pangungumusta sa mga mahal natin sa buhay, na madalas ay hindi natin alam na dumadaan pala sa mga mabibigat na pagsubok.

“Mahalaga mangumusta, mahalaga mangumusta sa mga itinuturing nating mga kaibigan at pamilya,” paalala niya.

ENCHONG DEE ON MFFFF 2024

Sampung pelikula ang maglalaban-laban sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF), kabilang na ang Topakk.

Ang iba pang official entries sa 50th MMFF ay ang Green Bones, Uninvited, Espantaho, The Kingdom, My Future You, Hold Me Close, Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital, Isang Himala, at And The Breadwinner Is…

Tinanong ng PEP si Enchong hung hindi ba siya nakakaramdam ng pressure o kaba na mahigpit ang magiging labanan, hindi lang sa takilya kundi maging sa awards, ng sampung entries.

Sagot niya, “Alam mo, if there’s one thing I’ve learned from last year with the promo of GomBurZa, again, tapos na, e, tapos na namin yung proyekto.

“Nasa final stage na kami kung saan iniimbitahan na namin ang mga manonood na, ‘Sumugal kayo, manood kayo, at sisiguraduhin namin na di sayang ang binayad ninyo pag nanood kayo ng Topakk.’

“So, wala nang pressure sa akin.”

Kasama si Enchong sa cast ng GomBurza, na itinanghal na best picture sa MMFF noong 2023.

May expectations ba siya ngayong MMFF 2024.

“Bahala na si Lord!” sambit ni Enchong.

“Katulad nung last year, bahala na si Lord, kasi di mo alam yun.

“Ang daming award-giving bodies sa buong taon, nagpapasalamat lang ako kasi last year, tumatlo tayo. Isang malaking blessing na siya.”

Parte rin si Enchong ng upcoming Pinoy adaptation ng Korean drama series na It’s Okay Not To Be Okay, kung saan kasama niya sina Anne Curtis, Carlo Aquino, at Joshua Garcia.

Sabi ni Enchong, “I’m so happy finally makakatrabaho ko si Anne. Joshua also for the first time, mahahaba ang mga eksena namin.

“Nakakatuwa kasi, again, it’s a different character and I’m going to.play around it.

“Finally nakita na rin ng management na, ‘Ah, okay, bigyan ninyo si Enchong ng mahirap na role.’

“I’m very thankful.”

CHRISTMAS IN SPAIN

Sa paparating na Kapaskuhan, lilipad pa-Spain si Enchong kasama ang buong pamilya para doon magdiwang ng Pasko.

Makakapiling nila roon ang nakatatandang kapatid ni Enchong na si AJ Dee, na nakabase sa Norway kasama ang pamilya nito.

Kuwento ni Enchong, “I m bringing my family to Spain kasi nandun si Kuya sa Europe para magkakasama kami, para buo ang pamilya sa Pasko.

“Ang huli naming pagsasama na kumpleto kami was five years ago. Ngayon, it’s our time to be reunited again.”

Related Posts

Our Privacy policy

https://newsjtv.com - © 2025 News