Disyembre 6, 2024, Biyernes nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang epic Biblical film na Mary, kung saan title role ang Israeli actress and model na si Noa Cohen bilang Birheng Maria.
At ngayong Disyembre 8, Linggo, Feast of the Immaculate Conception of the Blessed Virgin Mary, ang naturang pelikula ang nanguna sa Top 10 Movies ng Netflix Philippines.
Voice over ni Mary sa umpisa ng movie, “I was chosen to deliver a gift to the world. The greatest gift it has ever known.
“You may think you know my story. Trust me, you don’t.”
Noa Cohen in a scene from Mary
Photo/s: Netflix
Nasa cast din ng Mary sina Anthony Hopkins bilang King Herod, Ido Tako bilang Joseph, Ori Pfeffer bilang Joachim, Hilla Vidor bilang Anne, Dudley O’Shaughnessy bilang Archangel Gabriel, Mili Avital bilang Mariamne, Stephanie Nur bilang Salome, Salim Benmoussa bilang High Priest Aristobulus, at Keren Tzur bilang Elizabeth.
Ang gumanap na Tatlong Haring Mago — Almoctar Moumouni Seydou bilang Balthasar, Saikat Ahamed bilang Caspar, at Jay Willick bilang Melchior.
TWO PINOY MOVIES IN TOP 10
Pumangalawa sa Top 10 Movies list ang animated comedy na That Christmas.
Pangatlo ang Maple Leaf Dreams na pinagbidahan nina Kira Balinger at L.A. Santos, sa direksiyon ni Benedict Mique.
Kagaya ng KathDen reunion movie na Hello, Love, Again ay tinalakay sa Maple Leaf Dreams ang struggles ng OFWs sa Canada.
Kira Balinger and L.A. Santos in Maple Leaf Dreams
May isa pang Pinoy movie sa Top 10, ang JoshLia reunion movie na Un/Happy For You.
Kahapon, Sabado, ay natanggal na sa Top 10 list ang reunion movie nina Joshua Garcia at Julia Barretto, ngunit today ay nakabalik ito sa Top 10.
Julia Barretto and Joshua Garcia in a scene from Un/Happy For You
Photo/s: Screengrab from Instagram | @garciajoshuae
UPCOMING SERIES AND MOVIES ON NETFLIX
Sa Disyembre 14, Sabado, ay streaming na sa Netflix ang JoshLia series na Ngayon at Kailanman (Agosto 2018-Enero 2019), na ang English title ay Now and Forever.
Sa Disyembre 15, Linggo, naman ang Netflix streaming ng Deadma Walking (MMFF 2017) na pinagbidahan nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman, sa direksiyon ni Julius Alfonso.
Streaming soon sa Netflix ang Jose Rizal (MMFF 1998) na pinagbidahan ni Cesar Montano, sa direksiyon ni National Artist Marilou Diaz-Abaya.
Cesar Montano in a scene from Jose Rizal
Photo/s: GMA Films
Inaabangan din natin siyempre ang second round ng Squid Game, na mag-i-streaming sa Disyembre 26.
TOP 10 TV SHOWS AND MOVIES
Hindi pa rin naliligwak sa listahan ng Top 10 TV Shows ang Lavender Fields nina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, at Jericho Rosales.
Iyong Pulang Araw ay nakabalik sa Top 10 noong Nobyembre 28 at 29, at Disyembre 5.
Mula noong Disyembre 6, Biyernes hanggang ngayon, MIA (missing in action) na naman sa Top 10 TV Shows ang serye nina Alden Richards, Sanya Lopez, Barbie Forteza, David Licauco, at Dennis Trillo.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix:
- Mary
That Christmas
Maple Leaf Dreams
Our Little Secret
MIB International
Megan
Tears of the Sun
The Man with the Iron Fists 2
Spellbound 1
Un/Happy For You
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix:
- When The Phone Rings
The Trunk
Dan Da Dan
Black Doves
The Tale of Lady Ok
Lavender Fields
The Madness
The Story of Pearl Girl
Arcane: League of Legends
The Empress of Ayodhaya
GORGY RULA
Nasa 96th episode na ang Pulang Araw, at ilang episodes na lutang na lutang si Rochelle Pangilinan bilang si Amalia.
Ang dami niyang eksena kung saan napakagaling niya at ang hirap ng mga ipinagawa sa kanya.
Kaya pinapalakpakan ko si Rochelle dito sa Pulang Araw.
Rochelle Pangilinan in a scene from Pulang Araw
Photo/s: GMA Network
Napamahal din nang husto kay Rochelle ang role niya sa Pulang Araw.
Kamakalawa lang ay ipinost ni Rochelle sa social media ang pagpapasalamat niya sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya ng naturang serye.
“Ang saya po ng puso ko dahil sa inyo. Bilang isang aktres, ang lagi kong iniisip ay ang magbigay respeto sa inyo sa oras na ibinibigay ninyo sa panonood ng PA,” bahagi ng FB post ni Rochelle.
PULANG ARAW
Wala man today sa Top 10 TV shows ang Pulang Araw, naniniwala akong babalik iyan bago matapos dahil ang gaganda na ng mga kasunod na episodes.
Si Barbie Forteza pa rin ang pinakagusto ko rito at sumunod si Dennis Trillo.
Sa sobrang galing ni Dennis dito, gusto ko siyang pakiusapang huwag muna siyang tumanggap ng kontrabida roles.
Pulang Araw cast: (from left) Barbie Forteza, Alden Richards, David Licauco, Sanya Lopez, and Dennis Trillo.
LAVENDER FIELDS
Samantala, nasa 72nd episode na sa Netflix ang Lavender Fields.
Ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Akala mo, matatapos na siya. Pero mukhang marami pang aabangan sa kuwento nito.
Given na ang galing ni Jodi Sta. Maria dito dahil napakagaling naman talaga niyang aktres.
Kaya special mention ako dito kay Janine Gutierrez na consistent din ang galing.
Kaya lang, ang dami kong tanong sa takbo ng kuwento at napaka-soap na mga eksena.
Pero nagustuhan ito ng mga manonood kaya patuloy nilang ibinibigay ang ilang eksenang napapakunut-noo ka na lang.
Itong Lavender Fields pala ay isa sa nakita kong ibinebenta at nagustuhan ng distributors na namimili ng mga series at pelikula sa Asia TV Forum na ginanap sa Singapore nitong nakaraang araw.
Lavender Fields cast: (from left) Jolina Magdangal, Jericho Rosales, Maricel Soriano, Jodi Sta. Maria, Albert Martinez, Janine Gutierrez, and Edu Manzano.
NOEL FERRER
Ang Netflix na talaga ang alternative platform ng mga taong hindi na kaya ang programming sa free TV.
Nakakamangha yung mga programang malakas na sa Netflix ay malakas pa rin sa free TV.
Pero hindi porke hit sa Netflix ay hit na sa free TV, and vice versa.
May hit sa free TV na hindi naman at par sa quality ng Netflix.
Ang Netflix na ba ang current wave ng panonood ng mga Pinoy?
Sa urban at upper class, malamang.
Pero sa masang Pinoy, bagamat ang ilan ay may access din dito, sa free TV pa rin nanonood.
Kaya hindi pa rin puwedeng palampasin ang power ng free TV.
Get more updates on the Philippine entertainment industry on PEP.ph