Perfectly round shaped egg sold for PHP14K

Isang itlog na sobrang perpekto ang pagiging bilog ang nabenta sa halagang PHP14,926.65 sa isang auction na ginanap sa United Kingdom, ayon sa ulat ng news website na aviNews.com last December 17, 2024.

Ang ganitong itlog na bilog na bilog ay bihirang ipangitlog at itinuturing na “one-in-a-billion egg.”

Photo of the perfectly round shaped egg

Isa lang sa bawat bilyong itlog ang posibleng lumabas na perpektong bilog ang hugis. Photo: Jacqui Felgate

Si Ed Pownell, na mula sa Lambourn, Berkshire, ang unang may-ari ng itlog.

Binili niya ito noon sa halagang PHP11,193.30 sa isang auction matapos niyang malasing—at wala umano siyang idea kung bakit niya ginawa iyon.

“I had a glass in the local down here in Lambourn and thought I’d pop in a bid,” ani Ed.

EGG, UNANG NABILI NG ISANG BABAE SA PALENGKE

Ang bilog na bilog na itlog sa halip na ovoid ang hugis ay unang nakita ng isang babaeng namimili sa isang local supermarket sa Ayr, Scotland, noong June 2023.

Kasama iyon ng iba pang ibinibentang itlog na nasa kahon.

Out of curiosity, nag-research sa Google ang babae tungkol sa itlog.

Hand holding a perfectly round shaped egg

Nagkainteres ang isang babaeng namamalengke sa sobrang bilog na itlog at binili iyon. Photo: Instagram

Nung nalaman nitong “one-in-a-billion” ang paglabas ng ganitong hugis ng itlog, hindi niya iyon iniluto.

Kalaunan, dinala ng babae ang itlog sa Thomas Roddick Callan, isang auction house, upang ipabenta noong August 2024.

Si Ed na ang nanalo sa naturang auction, at naging proud owner ng perfectly-round egg.

Ipina-deliver niya sa tinitirahan ang itlog, na preserved na at tinanggalan na ng egg yolk at egg white. Ibig sabihin, shell na lang ang natitira sa egg.

Wala naman umanong naging pagsisisi si Ed na binili niya ang itlog.

“It’s quite fun. I think £150 is money well spent.”

EGG IDINONASYON SA ISANG YOUTH FOUNDATION

Naisip ni Ed na may potential value ang itlog.

Idinonasyon niya iyon sa Iuventas Foundation, isang charity na nagkakaloob ng mentoring, life coaching, and mental health support sa mga kabataan sa Oxfordshire.

Noong una, inisip ng mga namamahala sa foundation na isang “joke” ang donasyong itlog ni Ed.

Pero maging sila ay nakita ang potential at market value niyon dahil nga sobrang perfect ang pagiging bilog.

The perfectly round shaped egg

Napatunayan ng foundation na may presyo pala ang sobrang bilog na itlog. Photo: Jacqui Felgate

Nang kumalat sa social media ang tungkol sa itlog at ang posibilidad na ipa-auction iyon ng foundation, marami ang nagpahayag ng interes.

Dahil doon, nagdesisyon ang foundation na tuluyang ipa-auction iyon.

Nakalikom ang foundation ng kabuuang PHP373,109.90 mula sa pinagbentahan sa itlog at iba pang items na kasabay nitong ipina-auction.

“We’re delighted and thrilled the egg sold as it means we can continue to do what we are doing,” ayon kay Roz Rapp, isang kinatawan ng foundation.

Dagdag pa ni Roz, “The money raised will help 13-25-year-olds struggling with their mental health.

“It will enable us to reach more youths who are needing support or are on long waiting lists.”

Ayon naman sa auction house, laging may market para sa mga bagay na kakaiba at pambihira.

Related Posts

Our Privacy policy

https://newsjtv.com - © 2025 News