Regine Velasquez to basher: “Did I ask you for money?”

Photo of Regine Velasquez and of the screenshot of her reply to basher

Binuweltahan ni Regine Velasquez ang isa niyang basher sa X (formerly X) Twitter. Hindi umano niya ito pinilit na hangaan siya nito. “You decided to do that. I didn’t ask you to. But you saying these things as if ikaw ang bumubuhay sa akin, ano yun?” (Photos: Regine Velasquez-Alcasid FB, @reginevalcasid on X)

Binuweltahan ni Regine Velasquez ang isa niyang basher sa X (dating Twitter) nitong Sabado ng gabi, December 7, 2024.

Mahaba ang naging sagot ng Asia’s Songbird sa X user na may handle na @_MAXHIE.

Sabi ni Regine sa kanyang reply: “When did I ever ask you for something I need? Did I ask you for money?”

Read: Regine Velasquez receives apology over MYX billing issue

Screenshot of Regine Velasquez's reply to her basher

Ang screenshot ng reply ni Regine Velasquez sa kanyang basher. Photo: @reginevalcasid on X

Pagbibigay-diin pa niya, “I invite you to watch my concerts, sure, but I’m not forcing you too.

“I ask if you can listen to my songs which are practically free, hindi kita pinipilit. Kung ayaw mo, walang problema sa akin.”

Dagdag pa ni Regine, “Hindi rin naman kita pinilit na hangaan ako. YOU decided to do that; I didn’t ask you to.

“But you saying these things as if ikaw ang bumubuhay sa akin, ano yun?

“You have so much expectations of me. You don’t even know me personally. You just think you know me but you don’t.

“God bless you.”

Naka-lock ang account ni @_MAXHIE kaya hindi malinaw kung ano ang naging tweet nito patungkol kay Regine.

Nag-reply naman kay Regine ang mister na si Ogie Alcasid bilang suporta sa kanya: “Baba, I love you.”

Maging ang fans ng Asia’s Songbird ay nagpakita rin ng suporta sa kanya sa pamamagitan ng mga komento.

Photo of Regine Velasquez in yellow dress

Kumampi ang mga fans ni Regine Velasquez sa kanya at sinabing dapat din talagang pinapatulan kung minsan ang bashers. Photo: Regine Velasquez-Alcasid FB

#ENHYPEN members at Philippine fan meet presscon | PEP Goes To

Karamihan sa mga ito ay nagsabing huwag na lang niyang intindihin ang nam-bash sa kanya.

Nagpapapansin lang umano ito.

Suwerte rin daw ang kanyang bashers dahil nagre-reply siya sa mga ito.

May fans din si Regine na nagsabing paminsan-minsan ay dapat talagang patulan ang mga “feelingerang bashers.”

Nakatakdang magdaos ng kanyang Valentine concert si Regine na pinamagatang Reset sa Samsung Performing Arts Theater, Circuit Makati, sa February 14, 15, 21 and 22, 2025.

regine velasquez reset concert

Related Posts

Our Privacy policy

https://newsjtv.com - © 2025 News