Anak ni Niño Muhlach matinding trauma ang inabot sa 2 bading

Anak ni Niño Muhlach matinding trauma ang inabot sa 2 bading

Niño Muhlach at Sandro Muhlach

 

TW: Mentions of sexual assault

DAHIL umano sa matinding trauma na dinanas sa dalawang “powerful beki” ay sumasailalim ngayon ang isang baguhang aktor sa psychological treatment.

Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang tungkol sa newbie actor na hinalay at pinagsamantalahan umano ng dalawang TV executive sa loob ng kwarto ng isang hotel kamakailan.

Base sa mga naglalabasang report sa social media at ilang online entertainment sites, pinaniniwalaang ang panganay na anak ng aktor at negosyanteng si Niño Muhlach ang tinutukoy na biktima sa iskandalong ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsahang binabanggit ng pamilya ni Niño ang pangalan ni Sandro kung siya nga ba talaga ang tinutukoy sa mga ulat na hinalay daw ng dalawang bading na sinasabing konektado sa GMA 7.

Villanueva bares reports linking more local execs to illegal Pogos | INQTodayVillanueva bares reports linking more local execs to illegal Pogos | INQToday

Read More

exp-customer-logo


Naglabas ng maikli ngunit matapang na pahayag si Niño kamakailan sa kanyang Facebook page na sinasabing may kinalaman sa nangyari kay Sandro. Aniya, “INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!”

Kasunod nito, nagbanta rin ang misis ni Niño at stepmom ni Sandro na si Diane Abby Tupaz sa mga taong nambaboy daw sa kanilang anak, pero hindi pa rin niya pinangalanan kung sino ito.

“PINALAKI AT ININGATAN NAMING MABUTI ANG AMING MGA ANAK NA PUNO NG PAGMAMAHAL AT PAG AARUGA TAPOS WAWALANG HIYAIN LANG NG MGA KUNG SINONG TAO NA NILAMON NG KADEMONYOHAN SA KATAWAN PARA MAGAWA YUNG GANUNG KLASENG KABABUYAN!

“HINDI KAMI MAKAKAPAYAG NA HINDI NAMIN MAKAKAMIT ANG HUSTISYA! HABANG BUHAY NA DADALHIN NG ANAK NAMIN YUNG KABABUYAN NA GINAWA NYO SA KANYA!

“WALA KAMING PAKIALAM KUNG SINO KAYO O KUNG SINO ANG POPROTEKTA SA INYO!

“SISIGURADUHIN NAMIN NA PAGBABAYARAN NYO YUNG GINAWA NYO! HINDI NAMIN HAHAYAAN NA MAY MABIKTIMA PA KAYO NA IBA!

“ITUTULOY NAMIN ANG LABAN! MANAGOT ANG DAPAT MANAGOT! NAKAKA NGINIG KAYO NG LAMAN!” ang pahayag ni Diane gamit ang hashtag #JUSTICESHOULDPREVAIL.


Habang patuloy na pinagpipiyestahan ang iskandalong ito, balitang matinding trauma ang nararanasan ngayon ng baguhang aktor dahil sa nangyari sa kanya.

Kaya naman habang isinusulat namin ang balitang ito ay patuloy daw na sumasailalim sa psychological treatment ang binata upang makatulong sa kanyang mental health problem.

Kamakailan ay naglabas ng official statement ang GMA 7 tungkol sa mga kumakalat na balita hinggil sa isa nilang “artist”.

“Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network.

Read more: https://bandera.inquirer.net/391466/anak-ni-nio-muhlach-matinding-trauma-ang-inabot-sa-2-bading#ixzz8hcVFPzTJ
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook