Daniel ‘di na naman napigilang magmura sa concert

Daniel �di na naman napigilang magmura sa concert

Daniel Padilla

Nagdiwang ang buong Mindoro sa malaking event nila noong Linggo hanggang kahapon sa Pola, Oriental Mindoro.

Si Pola Mayor Ina Alegre ang nag-ayos para maging successful ang kanilang Sabuyan Festival Latiti Hydro Party na ginanap sa kanilang Municipal Grounds.

Hindi lang mga taga-Pola ang dumagsa sa kanilang pa-concert kundi ang buong Mindoro at pati mga solid supporters ni Daniel Padilla sa Maynila ay pumunta roon para ma­kisaya sa mini-concert ng Kapamilya actor.

Ang tantiya nga raw nila ay mahigit 20,000 katao ang dumagsa roon para makisaya sa kanilang Latiti Hydro Party, na halos iisa lang ang kanilang pakay; ang makita si Daniel Padilla.

Naunang nag-perform sina Vhong Navarro at Cesar Montano.

Nang isalang na si Daniel ay hindi na magkamayaw ang mga nag-enjoy sa concert ng aktor.

Sabi ng ilang taga-Pola na nakausap namin, mga limang kanta lang daw si Daniel doon pero sulit na sulit daw sila at hindi ininda ang pagbuhos ng ulan.

Kahit basang-basa na ay tuloy pa rin siya sa pagkanta at feel na feel na naman ang pagmumura niya sa isang kanta na sinabi pa niyang; “Nothing will ever break me. Wala talaga…ta***na, wala!”

Siyempre, statement na naman iyun mula kay Daniel.

Pagkatapos mag-perform ni Daniel, hindi pa rin naman daw umalis ang mga tao dahil naki-party party na sila sa bandang Rocksteddy.

Marami tuloy ang nagsabing dapat na talagang mag-concert ni Daniel at kering-keri daw nitong punuin ang malalaking concert venue sa atin.

Piolo, no. 1 sa streaming

Mukhang gusto nga ng mga manonood ang pelikulang Mallari ni Piolo Pascual.

Ito ang pumangalawa sa box-office noong Metro Manila Film Festival, sa certified boxoffice hit na Rewind  nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Noong nag-streaming ang Rewind sa Netflix, kaagad na nag-number one trending ito lumanding ito sa number one slot sa top ten trending movies ng naturang streaming service.

Hanggang kahapon nang tsinek ko ay nasa number one pa rin ito. Kaya kahit ang iba ay hindi naman nagustuhan ang pelikula, mas marami pa rin ang nagkakagusto, at nagalingan sila kay Papa P!

Nominado si Piolo sa Best Actor category sa Eddys Awards ng grupong SPEEd na gaganapin sa Ceremonial Hall ng Newport World Resorts sa darating na July 7.

Isa rin si Piolo sa paparangalan sa mga Boxoffice Heroes kasama sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Julia Montes, at Kathryn Bernardo.

Pero sa ngayon ay ratsada pa siya sa kanyang US Tour sa Texas, Washington, Florida at sa Baltimore.