Kathryn Bernardo shows photo with “birthday boi” Dominic Roque

Kathryn Bernardo greets Dominic Roque on his 34th birthday

In her birthday post for Dominic Roque (right), Kathryn Bernardo (left and right) writes she just noticed that he has a dimple last month. The two have been friends for many years now. She once tagged Dominic as the “forever third wheel” whenever he tags along to her dinner dates with now ex-boyfriend Daniel Padilla. 

Hindi pinalampas ni Kathryn Bernardo ang pagkakataong batiin ng “happy birthday” si Dominic Roque.

Sa Instagram Stories ni Kathryn kagabi, July 21, 2024, tatlong magkakasunod na pictures ni Dominic ang ibinahagi niya.

Una ay solo photo ni Dominic na kuha habang sakay ito ng bangka.

Dominic Roque 34th birthday with Kathryn Bernardo

PHOTO/S: @BERNARDOKATH INSTAGRAM

Sumunod ay litrato ni Dominic na kuha sa isang restaurant.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May hawak si Dominic na slice of cake na may dedication na “Happy Birthday DOM!”

Caption ni Kathryn: “FWESH NI BDAY BOY.. FACT: I JUST FOUND OUT LAST MONTH THAT HE HAS A DIMPLE HAHAHA.”

Dominic Roque 34th birthday with Kathryn Bernardo

Ang pangatlong post ay magkasama na sina Dominic at Kathryn na nag-wacky shot sa camera.

Kathryn Bernardo and Dominic Roque

PHOTO/S: @BERNARDOKATH INSTAGRAM

Magkasama silang nagdiwang ng birthday ni Dominic, base sa parehong suot ni Dominic sa naunang litrato niyang may hawak na birthday cake.

KATHRYN BERNARDO AND DOMINIC ROQUE AS “BROS”

Matagal nang magkaibigan ang dalawa.

Noong June 26, lumikha ng ingay ang post ni Dominic na kasama si Kathryn sa gym.

May mga netizen na nagsabing bagay ang dalawa, habang ang iba naman ay naniniwalang magkaibigan lamang ang mga ito.

Sa parte ni Dominic, nilinaw niyang “bros” lang ang turingan nila ni Kathryn.

Pero agaw-pansin din ang pag-like ni Dominic sa mga nanunukso sa kanila ni Kathryn.

Sa hiwalay na ulat na What PEP Knows noong July 6, isang source ang nagsabing mas naging malapit sina Kathryn at Dominic mula nang magkita at magkausap sila noong January 2024.

Sinasabing posibleng si Dominic lang ang piniling magbigay ng impormasyong may kinalaman sa dating nobyo ni Kathryn na si Daniel Padilla.