Vivamax star Jenn Rosa matindi ang pinagdaanan sa life: Ulila na po ako
HINDI na kami magtataka kung ang susunod na makakakuha ng korona at titulo bilang Vivamax Queen ay ang palaban din sa hubaran na si Jenn Rosa.Ilang beses na naming nakachikahan sa mga presscon ng kanyang pelikula ang dalaga na malaki ang pagkakahawig kay GMA Primetime Queen Marian Rivera.
In fairness, bukod sa kanyang ganda at kaseksihan may ibubuga rin sa aktingan si Jenn kaya sigurado kami na malayo pa ang mararating niya bilang artista.
Naniniwala rin kami na pwede rin siyang makatawid sa mainstream tulad ng mga original Vivamax Queen na sina Angeli Khang at Robb Guinto na parehong napanood sa Kapuso hit series na “Black Rider.”
Muli naming nakachikahan si Jenn kamakailan sa presscon ng latest movie niya sa Vivamax, ang “Backrider” kung saan napaamin siya sa matitinding pinagdaanan niya in the past, kabilang na ang kanyang pagkasawi sa pag-ibig.
Pero nakiusap ang dalaga na huwag muna itong pag-usapan, “Sa ngayon, may tamang time para sa lahat kasi gusto ko rin talaga na i-share yon at maka-inspire.
“Grabe yung pinagdaanan ko sa life, pero hindi ako naging bitter.
“Ginamit ko siya as purpose sa kung ano yung puwede kong magawa sa mga naranasan ko at maka-inspire sa mga tao na, ‘Guys, kaya natin ang lahat ng mga pagsubok sa life,’” pagbabahagi pa ng Vivamax Bombshell.
Sa tanong kung gaano kabigat ang mga naranasang pagsubok sa buhay, “Wala na akong family. Ulila na ako. Kamamatay lang ng kapatid ko noong 2022. Dalawa lang kaming magkapatid, so yun ang mabigat.”
Sey ni Jenn, pinagsisisihan niya ang pagpapa-tattoo sa pangalan at mukha ng dating karelasyon, “Ang kuwento talaga niyan, name at mukha siya ng ex-boyfriend ko. Pinatakpan ko na ang tattoos nang maghiwalay kami.
“Masaya siya kasi marami akong natutunan, nagmahal ako, maaga akong natuto. Malungkot kasi hindi lahat nagtatagal. Nagsisi ako.
“Sana wala na lang akong tattoo. Pero actually, dito rin ako nare-recognize ng mga tao. Minsan, yung mukha ko hindi nila nakikilala, pero nakikilala nila ako dahil sa tattoo ko.
“So, feeling ko, ito yung nakadagdag sa pagiging unique ko, yung tattoo ko,” ani Jenn na nagdesisyong patungan na lamang ng koi fish at bulaklak na chrysanthemum ang mukha at pangalan ng ex-dyowa niya.
“Koi fish dahil lucky at chrysanthemum dahil lucky flower ko. Nagpalagay rin ako sa likod ng geisha tattoo na professional entertainer ang meaning. Naghanap ako ng magandang tattoo, gusto ko may meaning.
“Puwede naman akong maging professional entertainer kasi sa mga artista, parang professional entertainer na rin kami,” aniya pa.
Samantala, paano nga ba malalaman kung tunay ngang nasa likod mo ang taong nangako ng pagmamahal sa ‘yo?
Sa pelikulang “Backrider” ni direk Bobby Bonifacio Jr., magkakaroon ng trust issues ang isang dalaga na magtuturo sa kanyang umasa lamang sa sarili.
Si Jenn Rosa ay gumaganap bilang si Faith, isang masahista na nagbibigay rin ng “happy ending” para kumita nang mas malaki. Nag-iipon sila ng kanyang nobyo para makapagtrabaho sa ibang bansa.
Si Aerol Carmelo ay si Raymond, ang nobyo ni Faith. Kinumbinsi niyang umalis na sa massage parlor si Faith at mag-solo na lang bilang masahista.
Siya pa mismo ang magdadala kay Faith sa mga kliyente. Ang totoo ay gustong gamitin ni Raymond ang pera ni Faith para sa bisyo niyang crypto.
Samantala, nabisto ni Faith ang pagwawaldas ni Raymond sa kanilang ipon. Sa pahihiwalay ng dalawa, magkakarelasyon sina Faith at Dave.
Mukhang mas maganda ang buhay ni Faith sa piling ni Dave, pero may bago siyang matutuklasan tungkol dito at kay Raymond.
Puno ng galit sa kasalanan ng dalawa, tunghayan kung paano gaganti si Faith sa kanila.
Streaming na ngayon ang “Backrider” sa Vivamax kaya watch na!
News
Paulo’s Reaction to Kimmy’s Beauty Leaves Him Speechless
Paulo’s Reaction to Kimmy’s Beauty Leaves Him Speechless In a recent public appearance, Paulo’s reaction to Kimmy’s stunning beauty captured the hearts of many. The event, which brought together numerous celebrities and fans, quickly became the talk of the town…
Kim Chiu made a surprising admission about Xian Lim’s new love
Kim Chiu made a surprising admission about Xian Lim’s new love Kim Chiu. Image: Instagram/@chinitaprincess Kim Chiu got candid about how her heart is currently a “little empty,” stating as well that she knew nothing about her former actor boyfriend Xian…
Kim Chiu Nag-Live sa Instagram Kasama si Paulo Avelino: Isang Kakaibang Karanasan para sa mga Fans
Kim Chiu Nag-Live sa Instagram Kasama si Paulo Avelino: Isang Kakaibang Karanasan para sa mga Fans Noong kamakailan, muling pinatunayan ni Kim Chiu kung bakit siya ay isa sa mga pinaka-mahal na personalidad sa Philippine entertainment industry. Sa isang biglaang…
KIM CHIU NAG-LIVE SA INSTAGRAM KASAMA SI PAULO AVELINO: FANS NAPAKILIG AT NAGULAT
KIM CHIU NAG-LIVE SA INSTAGRAM KASAMA SI PAULO AVELINO: FANS NAPAKILIG AT NAGULAT Hindi na bago sa mga fans ni Kim Chiu ang kanyang aktibong presensya sa social media, lalo na sa Instagram, kung saan madalas siyang magbahagi ng kanyang…
Present si Daddy Pau sa Birthday Party: Basta Para kay Kim, Gagawin Lahat! Chui Family Happy sa KimPau
Present si Daddy Pau sa Birthday Party: Basta Para kay Kim, Gagawin Lahat! Chui Family Happy sa KimPau August 20, 2024 — Sa isang makulay at masayang pagdiriwang, dumalo si Daddy Pau sa birthday party ni Kim Chiu, na ipinakita…
Ipinakilala Na, Kim at Paulo Dinalaw si Kris Aquino
Ipinakilala Na, Kim at Paulo Dinalaw si Kris Aquino Panimula: Isang Espesyal na Pagbisita sa Buong Mundo ng Showbiz Ang mundo ng showbiz ay laging puno ng mga makulay na kwento, ngunit walang nakakaagaw ng pansin kaysa sa mga personal…
End of content
No more pages to load