Xian Lim, no-show sa mediacon ng idinirek niyang pelikula
Kuman Thong star Cindy Miranda, nahirapang makipag-communicate sa Thai co-stars.
Xian Lim (left), writer and director of the horror film Kuman Thong, did not attend the mediacon of the movie on June 19, 2024. The movie’s lead star Cindy Miranda and child star Althea Rueda (right photo) faced the entertainment press.
PHOTO/S: @viva_films on Instagram
“Baka may prior commitment.”
Ito ang walang katiyakang sagot ni Cindy Miranda nang tanungin tungkol sa hindi pagdalo ni Xian Lim sa media conference ng pelikulang Kuman Thong, na naganap sa Viva Café, Cubao, Quezon City, noong Miyerkules, Hunyo 19, 2024.
Si Xian ang sumulat ng kuwento at direktor ng Kuman Thong na kinunan ang mga eksena sa Bangkok, Thailand.
Nagtaka ang mga miyembro ng media sa hindi niya pagsipot sa press conference ng horror movie na magbubukas sa mga sinehan sa Hulyo 3, 2024
CINDY MIRANDA ON SHOOTING KUMAN THONG IN THAILAND
Si Cindy ang bida ng Kuman Thong.
Sa media conference ng pelikula, nagkuwento ang aktres tungkol sa kanyang mga karanasan sa shooting nila sa Bangkok noong Mayo 2024, ang buwan na napakainit ng panahon sa Thailand.
Lahad niya: “Unang-una, napakainit po sa Thailand. Nandoon kami nung sobrang init [ng panahon].
“I think may mga namatay pa noon sa Thailand, not from our group, pero ganoon kainit.
“It’s a typical Thai house, yung architecture. Sobrang init.
“Di ba, kapag sobrang init, hindi ka makagalaw. Hindi ka comfortable.
“Pero siyempre, bilang aktor, lahat kakayanin.”
CINDY ON WORKING WITH THAI ACTORS
Maliban sa kanyang Thai co-star na si Max Nattapong, hindi marunong magsalita ng English ang ilan sa mga nakatrabaho ni Cindy sa Kuman Thong.
Isa ito sa mga naging hamon sa kanya sa isang linggong shooting nila para sa nasabing pelikula.
“Collab project ito ng mga Pilipino at Thai productions,” sabi ni Cindy.
“Ang hirap ho kasi hindi lahat sa kanila, marunong magsalita ng English. Ang hirap makipag-communicate.
“Thankful lang po ako na si Max Nattapol, yung Thai lead actor namin, marunong siyang mag-English.
“Si Max lang po ang actor. The rest were first timers.”
Xian Lim (extreme right) directs Cindy Miranda (second from left), Thai actor Max Nattapol (second from left), and child star Althea Rueda (extreme left) for Kuman Thong.
Pagpapatuloy ni Cindy, “Medyo nahirapan kami dahil wala kaming oras. Madalian lahat.
“Lahat ng scenes namin, lahat almost take one and we didn’t have a choice. So, dapat naka-actor’s cue ka.
“You can’t be not ready because hindi matatapos yung movie kapag Take 2 ka o hindi mo na-memorize ang mga linya, hindi ka ready sa emosyon mo.
“Mahirap pero sinabi sa amin na we really have to be prepared kasi marathon [shoot] yung ginawa namin,”
Ginagampanan ni Cindy sa Kuman Thong ang papel ng isang ina na may dalawang anak pero namatay ang isa.
Ginawa ng karakter ni Cindy ang lahat para maibalik ang namatay na anak, at ito ang kuwento ng pelikulang mula sa malikhaing isip at direksiyon ni Xian.