Sa nakaraang presscon para kay Dimples Romana bilang endorser ng Luxe Skin Collavera nitong January 15, 2024, Lunes, natanong siya tungkol sa kanyang kaibigang si Angel Locsin.

Kasalukuyang nag-self-imposed hiatus si Angel at hindi talaga napagkikita o nararamdaman ang presence kahit saan. Tanging malalapit na kabigan lang katulad ni Dimples ang nakakausap nito.

Pero sabi ni Dimples maski nga raw siya ay nahihirapang makontak ang kaibigan sa pamamagitan ng cellphone o social media dahil nagde-detoxify raw si Angel sa mga socmed account nito at hindi talaga nagpo-post.

Patuloy ni Dimples, maganda naman daw ang epekto kay Angel at nakikita niyang masaya ang kaibigan. Kaya tuloy gusto niyang gayahin ang ginagawa nito.

Panoorin ang PEP Interviews video ni Dimples para malaman kung ano pa ang natutunan niya kay Angel.