Willie Revillame, binatikos na naman ng netizens dahil sa kumalat na video clip.

willie revillame wil to win

Wil To Win host Willie Revillame gets flak anew for cancelling call with a female player who is watching rival program, Family Feud. But the mechanics of the game clearly points out that players should be watching Willie’s program for them to win cash prize.
PHOTO/S: Wil To Win YouTube

Viral ang video ng episode ng Wil To Win ng TV5 noong August 23, 2024 dahil hindi na pinaglaro ni Willie Revillame ang babaeng tinawagan niya sa cellphone para maglaro sa “Spin A Wil” segment at may tsansang mabigyan ng PHP50,000 na premyo.

Nabigo ang babaeng makapaglaro ng “Spin A Wil” dahil siya mismo ang nagsabi na ang Family Feud, ang game show ng GMA-7 na katapat ng Wil To Win, ang kanyang pinapanood.

Dahil hindi na pinaglaro ni Willie ang babae, binigyan ito ng masamang kahulugan ng ibang netizens na nakapanood ng video clip at nakatanggap na naman ng mga batikos ang controversial TV host.

Ito ay kahit malinaw na Tutok To Win ang pamagat ng show ni Willie at isa sa importanteng mechanics ng laro ay dapat nakatutok sa panonood ng programa ang mapalad na tinawagan sa cellphone para manalo ng premyo.

WILLIE’S CONVERSATION WITH FAMILY FEUD VIEWER

Ito ang bahagi ng palitan ng pag-uusap ni Willie at ng babaeng nagpadala ng sulat sa Wil To Win para makasali siya dahil kailangan niya umano ng panggastos para sa pag-aaral ng kanyang anak.

Babae: “Sino ba ito?”

Willie: “Huwag ninyo akong papagalitan, huwag ninyo akong mumurahin. Ako po ay may magandang balita sa inyo!” a

Babae: “Ano po ba yon? Sino po ba ito?”

Willie: “May maganda nga akong balita.”

Babae: “Ano nga po yung balita ninyo?”

Willie: “Eto ang balita ko sa inyo. E, ano ba ang ginagawa ninyo ngayon, sabihin ninyo muna sa akin.”

Babae: “Nagse-cellphone.”

Willie: “May sumulat sa akin, ‘Gusto kong sumali sa programa dahil ako e nagbabakasakali na matawagan. Palarin na manalo para sa pag-aaral ng anak ko, pampa-check up ko. Sana dagdag panggastos. Sana, Kuya Willie, matulungan ninyo kami.’ Kayo ba yon?”