Ibinahagi ng aktres na si Candy Pangilinan ang isang video na nagpapakita ng kanyang pag-isolate matapos siyang tamaan ng shingles. Kinailangan niyang mag-isolate upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa kanyang mga kasama sa bahay. Ayon kay Candy, nag-aalala siya para sa kanyang anak na si Quintin, lalo na kapag makita siya nito na may bandage sa mukha dahil sa shingles, kaya hindi muna siya nagpapakita.
Source: Youtube
Sa video, pinakita ni Candy ang naging progreso niya habang nasa isolation. Pinaliwanag din niya kung gaano kaseryoso ang sakit na ito at ang posibilidad na magdulot ito ng pangmatagalang epekto. Dahil dito, hinikayat niya ang mga tao na magpabakuna laban sa shingles upang maiwasan ang ganitong sitwasyon.
Ayon sa WebMD, ang shingles ay isang viral infection na sanhi ng varicella-zoster virus, ang parehong virus na nagdudulot ng chickenpox. Ito ay nagdudulot ng masakit na rash na maaaring magtagal ng ilang linggo, at sa ilang kaso, maaari itong magresulta sa pangmatagalang pananakit na tinatawag na postherpetic neuralgia.
Si Maria Carmela Espiritu Pangilinan o mas kilala sa screen name niyang Candy Pangilinan ay isang aktres at komedyante. Ginawaran siya ng parangal bilang best actress sa CineFilipino 2016 at Los Angeles International Film Festival para sa pelikulang Star Na Si Van Damme Stallone.
Matatandaang ibinahagi ni Candy na tinamaan muli siya ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon. Disyembre ng 2020 siya unang tinamaan ng COVID kung saan asymptomatic naman daw siya. Ngunit ngayon, nanghina siya, sumakit ang ulo at katawan at nagkaroon din ng sipon at ubo. Hiling niyang hindi niya nahawa ang iba pa niyang kasama sa kanilang tahanan lalo na ang anak niyang si Quentin at ang kanyang ina.
Matapos niyang ibahagi ang pagpositibo niya sa COVID sa pangalawang pagkakataon, minabuti ni Candy na alamin kung may kasama pa siya sa bahay na tinamaan din ng COVID. Sa kabila kasi ng kanyang pag-iisolate, posibleng mayroon din ang kanyang kasamahan sa bahay dahil nakasalamuha niya ang mga ito bago niya natuklasang may COVID siya. Matapos ang antigen test sa kasamahan niya sa bahay, tanging ang kanyang mommy ang nag-negative ngunit kailangan pa itong kumpirmahin sa pamamagitan ng isa pang test. Kasama ang kanyang anak na si Quentin sa nagpositibo rin sa COVID.
News
BAGONG AYUDA‼️KIMPAU, MAY PANIBAGONG AYUDA: AAMIN NA KAYA SA KANILANG MGA FANS.
Mga Kimpao Fans, Kinilig sa Bagong “Resibo” ng Kanilang Paboritong Loveteam Kamakailan lamang, pinagkaguluhan ng mga fans ng Kimpao, ang tambalan nina Kim Chiu at Paolo Avelino, ang paglabas ng mga bagong “resibo” o ebidensya ng kanilang magkasamang out of…
Regine Velasquez, NAIYAK nang IPAGTANGGOL si Kim Chiu sa mga BASHERS at taong SUMISIRA dito! #kimpau [VIDEO BELOW]
Regine Velasquez, Emosyonal na Ipinagtanggol si Kim Chiu Laban sa mga Bashers Sa kamakailang panayam, ipinahayag ni Regine Velasquez ang kanyang damdamin at suporta para kay Kim Chiu, na dumanas ng hindi magagandang komento mula sa ilang bashers. Emosyonal na…
FULL VIDEO: Kim Chiu KINILIG sa PAGBATI ni Janine Guttierez sa BIRTHDAY ni Jericho Rosales! [VIDEO BELOW]
Matalik na Pagkakaibigan sa Industriya ng Showbiz: Ang Tunay na Ugnayan nina Jericho Rosales at Kim Chiu Sa kabila ng mga intriga at tsismis na kadalasang ibinabato sa mga sikat na personalidad tulad nina Kim Chiu, Paulo Avelino, Janine Gutierrez,…
Ejay Falcon graduates from college after 17 years
Former Pinoy Big Brother housemate Ejay Falcon on graduation from college after 17 years: “Ngayon taas noo kong masasabi na ako po si Ejay Falcon, nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Political Science major in Local Government Administration mula sa…
‘Lavender Fields’ cinema cut REVIEW: Action-packed and flawlessly-acted
‘Lavender Fields‘ is a perfect demonstration of what incredible portral can do. Coming to Netflix this August 30 and on primetime TV, on September 2, the series, dubbed by ABS-CBN, as the powerhouse drama of the year, is as flawlessly-acted…
‘Pamilya Sagrado’ scores first win against ‘Widows’ War’ in aggregated TV ratings
“Steady rise wins the prize.” That perfectly describes the recent success of the Kapamilya action-political drama “Pamilya Sagrado,” which has finally broken the tie and surpassed its Kapuso rival “Widows’ War” in the aggregated TV ratings race. According to the…
End of content
No more pages to load