“Authentic sana kung pure Nihongo ang salita… Pero…”
Inisa-isa ng creator at head writer ng Kapuso period series na Pulang Araw na si Suzette Doctolero ang mga dahilan kung bakit nakakapagsalita ng Tagalog at English ang main Japanese characters sa show.
Three consecutive days nang number one ang Elevator sa listahan ng Top 10 Movies ng Netflix Philippines — mula Agosto 23, 2024, Biyernes, hanggang Agosto 25, Linggo.
Sa tatlong magkakasunod na mga araw na iyan ay nanatiling nakapuwesto sa fourth place ang Lolo and the Kid nina Joel Torre at Euwenn Mikaell.
Photo/s: Netflix PH
Nag-debut this Sunday sa sixth place ang Litrato ni Ai-Ai de las Alas. Tampok din dito sina Ara Mina, Bodjie Pascua, Liza Lorena, Quinn Carrillo, Lui Manansala, at Tabs Sumulong.
Photo/s: Netflix PH
Sa Agosto 30, Biyernes mag-uumpisang mag-streaming sa Netflix ang advance episodes ng seryeng Lavender Fields. Sanib-puwersa sa 100-episode series na ito sina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez, Jericho Rosales, Jolina Magdangal, at Jana Agoncillo.
Sa Setyembre 6 ay streaming na sa Netflix PH ang documentary film na Fallen Not Forgotten: The Untold Story of the Gallant SAF44.
Parehong sa Setyembre 12 mag-i-streaming ang mga pelikulang The Mall, The Merrier! at How To Make Millions Before Grandma Dies.
Setyembre 19 ang streaming ng pelikulang Chances Are, You and I nina Kelvin Miranda at Kira Balinger.
Sa Setyembre 20 ang streaming ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes, na ang English title ay Mrs. Reyes and Mrs. Reyes. Bida rito sina Judy Ann Santos, Angelica Panganiban, Joross Gamboa, at JC de Vera.
Sa Oktubre 17 ang streaming ng horror movie na Outside, starring Sid Lucero, Beauty Gonzalez, Marco Masa, Enchong Dee, Joel Torre, James Blanco, and Bing Pimentel.
Hindi pa kumpirmado, pero ayon sa source ng PEP Troika ay Nobyembre 1 mag-uumpisa ang Netflix streaming ng 130-episode na Incognito.
Nakailang araw nang taping sa El Nido ang maaksyong series na ito nina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Baron Geisler, Ian Veneracion, Maris Racal, Anthony Jennings, at Kaila Estrada.
Yung Netflix original film ni Baron Geisler na The Delivery Rider ay malamang na mag-streaming sa last week of November, or first week of December. Angkop iyon sa Christmas season.
Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix: 1) Elevator 2) Shazam! Fury of the Gods 3) The Union 4) Lolo and the Kid 5) Lucy 6) Litrato 7) Kingsman: The Secret Service 8) Kingsman: The Golden Circle 9) Mission Cross 10) Dancing Village: The Curse Begins.
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix: 1) Love Next Door 2) Emily in Paris 3) Pulang Araw 4) The Frog 5) American Murder: Laci Peterson 6) Lost 7) Romance in the House 8) Terror Tuesday Extreme 9) Lovely Runner 10) Wyatt Earp and the Cowboy War.
Photo/s: Netflix PH
Ang pelikulang Litrato ang nagwaging Best Indie Film sa katatapos na 40th PMPC Star Awards for Movies. Ang director nitong si Louie Ignacio ang Best Indie Director.
Doon na rin in-announce ni Direk Louie na August 23 ang streaming ng naturang pelikula sa Netflix.
Mas maganda sana kung streaming worldwide dahil tiyak na marami sa ating mga kababayan sa ibang bansa, lalo na sa Amerika, ang makaka-relate sa kuwento.
Marami sa mga kababayan natin sa US ay yumaman sa pagkakaroon ng facility para sa mga matatanda. Ilan din sa mga Pinoy ay inilalagay nila roon ang kanilang magulang. Naaalagaan naman nang mabuti.
Mas lalo kong maa-appreciate ang Litrato kung mga kagaya ni Perla Bautista ang gumanap na masungit na si Lola Edna. Medyo nabataan pa ako kay Ai-Ai delas Alas na magsi-60 pa lang sa November 11. Mas okey kung si Ai-Ai na ang anak at pinahaba ang role nito.
Magaling sa pelikulang ito sina Liza Lorena at Quinn Carillo.
Sabi nga ni Direk Louie, alam niyang marami ang hindi aware na ipinalabas na ito sa mga sinehan. Kaya pinaabangan niya sa Netflix.
Marami pa sa mga pelikula natin ang parang napadaan lang sa mga sinehan. Mabuti at may Netflix na mapapanood natin.
Kagaya nitong Whispers in the Wind na wala ka nang mahanap na sinehan. Mapapanood na natin sa Netflix sa November.
Samantala, may mahabang Facebook post ang Kapuso writer na si Suzette Doctolero na episode guide o paglilinaw sa primetime series na Pulang Araw.
Si Suzette ang credited as creator and head writer ng Pulang Araw, as published on IMDB.com.
Published as is, aniya, “Bakit nga ba ang mga main cast, na gumaganap na mga Hapones, sa aming soap series ay nagsasalita ng Hapones, English at Pilipino?
“Maraming factors kung bakit.
“1. Accessibility.
“Ang Nihongo ay hindi gaya ng Ingles na maiintindihan ng pinoy audience.
“Authentic sana kung pure Nihongo ang salita ng lahat ng Japanese characters sa serye. Pero alienating ito masyado, para sa isang serye na hindi rin karaniwang napapanood sa tv.
“Praktikal na mag switch ang Japanese characters na gaya ni Hiroshi, si Akio at Taiso Yuta (na binigyan natin ng justification o background kung bakit sila marunong mag Pilipino) sa pagsasalita ng Nihongo to English o Pilipino.
“Si Tanaka-san ay pure Japanese actor kaya hirap siyang mag ingles, o Tagalog (kaya siya lang talaga at ang iba pang mga tunay na Japanese actors ang pure Nihongo magsalita sa serye).
“By mixing English o Pilipino to Nihongo, ay mareretain pa rin ang ilang cultural elements pero maiintindihan pa rin ng local audience.
“2. Commercial considerations.
“Target namin ang masa. Karamihan sa kanila ay maliliit ang tv, paano kaya nila mababasa ang subtitles? Lalo na ang audience na walang tv, at nanonood sa cellphone at ang access lang sa panonood ay ang libreng live streaming sa Gma Live sa Youtube? Lalong hindi nila mababasa ang subtitles. Alienating ito. E, di llalo namin silang inilayo o itinaboy?
“Hindi bale na ang Netflix audience, sigurado ako, ang marami sa kanila ay may malalaking tv kaya makakabasa ng mga subtitles.
“3. Plot convenience
“Characters switches between languages for practical reasons within the story. Halimbawa: kapag ang eksena ay involve ang dalawang karakter na magkaiba ng lahi: Hapones at Pilipino o Amerikano. Alangan namang kanya-kanya silang wika na gagamitin to communicate with each other?
“Mas higit ring maitatawid sa pinoy audience ang emosyon, ideya, inpormasyon o mahalagang mensahe ng palabas o dayalogo, kung ito ay sinasabi sa wikang Pilipino. At sa ganitong dahilan, kaya mas pinipili namin ang wikang Pilipino para maitawid sa audience ang mahahalagang mensahe na ito.
“At panghuli, kapag nagbabasa ng subtitle, nawawala ang pokus sa pinanonood at napupunya sa pagbabasa. Ayaw naming maging duling o sulimpat ang inyong mga mata. Haha.
“May bagong episode na sa Netflix ngayon. Naroon na ang Ep 21. Maaari na itong mapanood. Mahalaga ang episode na ito, lalo’t kakabomba lang sa Pearl Harbor.
“Sa hindi pa nakakanood, at ayaw manood, bakit hindi ninyo muna subukan? At saka husgahan? (Kaysa uunahan ng husga?)
“Magastos ang ganitong serye. Ang hirap ding gawin at ishoot kaysa sa karaniwang serye na napapanood.
“Pero ginawa pa rin ng Gma7, bilang pasasalamat, pagmamahal at respeto sa audience. Tanggapin ninyo po sana ang aming regalo. Manood po sana kayo gabi gabi, after 24 Oras, sa GMA7 mula Lunes hanggang Byernes. Salamat! At goodnight everyone!”
Kung nagkakaproblema ang pagpapalabas ng mga makabuluhan at kontrobersyal na mga docu na tulad ng Lost Sabungeros at Alipato at Muog, at limitado rin ang sinehan ng And So It Begins, hindi kaya puwedeng ipalabas ang mga ito sa streaming platform like Netflix at hindi na makakaharap ng security issues?
Kaya tama ang sinabi ng filmmaker na si Chuck Gutierrez sa nai-post niyang, “It’s a clear sign that something is wrong when Filipino documentaries are barred from being shown in local cinema chains.”
News
’24 Oras’ still the Philippines’ most trusted news source
GMA Integrated News’ flagship newscast, 24 Oras, continues to be the most trusted source of news, information, and public service in the Philippines, emerging as the nation’s top news program from January to July 2024. Based on Nielsen TV Audience…
The Dantes Family Shares Latest Vacation Adventure In Melbourne Australia
Through a few snapshots shared on Marian Rivera‘s IG TambaYAN, IG stories from both Marian and Dingdong, and the super cute vlogs featuring their children Zia and Sixto, we get a glimpse of their family’s latest vacation adventure in Melbourne Australia….
‘Lavender Fields’ to challenge ‘Pulang Araw’ on Netflix PH’s rankings beginning August 30
The Kapamilya drama series, joins the highly-hyped and budgeted Kapuso historical drama, on Friday, August 30. While ABS-CBN’s Lavender Fields and GMA Network’s Pulang Araw are not going head-to-head on regular television, the two series are set to wrestle each other over Netflix Philippines…
Kim Domingo confirms temporary role in ‘FPJ’s Batang Quiapo,’ remains a Kapuso
Kim Domingo has officially confirmed her guest role in the hit ABS-CBN series ‘FPJ’s Batang Quiapo,’ clarifying that her involvement is a temporary arrangement and she remains a contract artist with GMA Network. In a recent interview on Luis Manzano’s…
Shiela Guo, sinabing hindi nya tunay na kapatid si Alice Guo
Isang malaking rebelasyon ang lumabas sa pagdinig ng Senate subcommittee on Justice nitong Martes kaugnay ng kaso ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Si Shiela Guo, na matagal nang pinaniniwalaang kapatid ni Alice, ay hindi raw pala nito kadugo….
Misis ni Niño Muhlach, may matapang na post ukol sa hustisya
Niño Muhlach’s wife, Diane Abby Tupaz, has taken to social media once again to share a new brave post. Diane Abby Tupaz (@diane_abby23) Source: Instagram On Instagram Stories on Wednesday, August 28, Diane Abby stressed that no one fights alone…
End of content
No more pages to load