Coco: “Sobra naming pinaghihirapan ang pagbuo ng Batang Quiapo.”
Coco Martin on what’s next for FPJ’s Batang Quiapo: “Sabi ko nga wala pa, ang layo pa, di ko pa nari-reveal yung mga dapat ma-reveal na mga characters. Kaya marami pang mga kuwento, mas marami pang characters na papasok.”
Inalay ni Coco Martin ang tinanggap niyang award para sa FPJ’s Batang Quiapo sa namayapang aktres na si Jaclyn Jose at sa Dreamscape head na si Deo Endrinal.
Pinarangalan ang FPJ’s Batang Quiapo bilang Most Popular TV Program sa Primetime Drama category sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards 2024.
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Coco sa awards night, na ginanap sa Henry Lee Irwin Theater sa Ateneo de Manila University, noong nakaraang May 12, 2024.
Pagbibigay-pugay ni Coco, “Sobra kay Sir Deo, kay Mama Jane.
“Sa lahat ng bumubuo, sa lahat ng boss ng ABS-CBN na patuloy na naniniwala at sumusuporta sa amin upang magkatrabaho ang mga kasama natin sa industriya.
“Para sa iyo ito, Mama Jane.”
Pumanaw si Jaclyn sa edad na 60 noong March 2, 2024; habang si Deo ay pumanaw sa edad na 60 noong February 3, 2024.
COCO MARTIN ON TEAM BEHIND FPJ’S BATANG QUIAPO
Inalay din ng Kapamilya aktor ang award sa lahat ng bumubuo at sumusuporta sa show.
Aniya, “Masaya ako para sa buong team ng Batang Quiapo.
“Siyempre sobrang sarap sa pakiramdam dahil sobra naming pinaghihirapan ang pagbuo ng Batang Quiapo.
“Sobra akong nagpapasalamat sa team, sa lahat ng directors, sa lahat ng mga scriptwriters, creative, staff, and crew.
“Sobra kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga taong sumusubaybay at tumatangkilik gabi-gabi.
“Sobra akong nagpapasalamat kay FPJ, kay Tita Susan, sila ang aming inspirasyon para sobra pa naming pagbutihan ang trabaho namin.”
Ang tinukoy niyang “Tita Susan” ay si Susan Roces, ang asawa ni FPJ o Fernando Poe Jr.
News
Kim Chiu at Paulo Avelino, Nagkita Bago Pumasok si Kim sa Showtime—Behind the Scenes!
Sa isang masiglang umaga, naganap ang isang hindi malilimutang pagkikita sa pagitan nina Kim Chiu at Paulo Avelino bago pumasok si Kim sa “It’s Showtime.” Ang kanilang pagkikita ay puno ng saya at emosyon, na nagbigay-diin sa kanilang magandang samahan…
Vice Ganda, Kim Chiu at Buong Showtime Fam, Kumasang Sa ‘Maybe This Time Challenge’
Kamusta! Sa isang masiglang palatuntunan ng “It’s Showtime,” nagtipon-tipon ang mga paboritong personalidad ng showbiz, kabilang sina Vice Ganda at Kim Chiu, upang makilahok sa kapana-panabik na “Maybe This Time Challenge.” Ang hamong ito ay hindi lamang nagbigay-diin sa kanilang…
Vice Ganda Natameme sa Sinabi ni Kim Chiu sa *It’s Showtime*: KimChiu Pa-Totoong May Relasyon na Nga Ba?
Sa isang kamakailang episode ng *It’s Showtime*, nagkaroon ng isang insidente na nagbigay-diin sa pagiging masaya at nakakatawa ng programa. Si Vice Ganda, isa sa mga pangunahing host ng show, ay natameme sa isang pahayag ni Kim Chiu. Ang mga…
Anne Curtis Walang Laban sa Matinding Galit ni Solenn Heussaff
Sa mundo ng showbiz, hindi maikakaila na may mga pagkakataong nagkakaroon ng hidwaan at tensyon sa pagitan ng mga artista. Kamakailan, lumabas ang balita tungkol sa matinding galit ni Solenn Heussaff laban kay Anne Curtis, na nagdulot ng labis na…
Sam Milby, Nakakaawa ang Sinapit kay Erwan Heussaff! Anne Curtis Napaiyak
Sa isang nakakagulat na pangyayari sa mundo ng showbiz, si Sam Milby ay naging sentro ng atensyon matapos ang kanyang mga pahayag kaugnay sa sinapit ni Erwan Heussaff. Ang sitwasyong ito ay nagdulot ng matinding emosyon, hindi lamang kay Sam…
Rebelasyon: Tanya Bautista Nahuling Nagtatalik si Anne Curtis at Vhong Navarro
Kamakailan lamang, umani ng malaking atensyon ang rebelasyon na ibinulgar ni Tanya Bautista na diumano’y nahuli si Anne Curtis at Vhong Navarro na nagtatalik. Ang balitang ito ay agad na nagdulot ng matinding reaksyon mula sa publiko at mga tagahanga…
End of content
No more pages to load