Dominic sets the record straight that he is not courting Kathryn.

Dominic Roque denies courting Kathryn Bernardo

Dominic Roque (left) dispels dating rumors involving him and Kathryn Bernardo (right), saying the two of them share a relationship comparable to those of siblings.
PHOTO/S: DOMINIC ROQUE/KATHRYN BERNARDO/AIVEE CLINIC INSTAGRAM
Mariing itinanggi ni Dominic Roque ang kumakalat na haka-hakang nililigawan niya si Kathryn Bernardo.

Sina Dominic at Kathryn ay parehas ngayong single matapos nilang makipag-break sa kani-kanilang dating karelasyon na sina Bea Alonzo at Daniel Padilla.

Ang haka-hakang panliligaw ni Dominic kay Kathryn ay nagsimula nang mapansin ng netizens ang madalas na pagkikita at pagsasama ng dalawa kamakailan.

Kabilang dito ang pagsasama nilang mag-workout at magpa-facial treatment sa isang derma clinic.

Dahil dito, isang entertainment page sa Facebook ang inilathala ang posible raw na relasyon ng dalawa.

“Dominic Roque, nanliligaw nga ba kay Kathryn Bernardo?” caption ng entertainment page sa kanilang Facebook post nitong Martes, June 25, 2024.

Dominic Roque denies courting Kathryn Bernardo

PHOTO/S: SCREENGRAB @FACEBOOK

DOMINIC ROQUE DISPELS COURTING RUMORS

Bagay na mabilis namang nakarating kay Dominic.

Agad niya itong nilinaw sa pamamagitan ng pagsasabing hindi totoong nililigawan niya si Kathryn.

Sa comments section ng nasabing Facebook ay nag-iwan ng komento ang aktor para pabulaanan ang kumakalat na balita tungkol sa tunay na relasyon nila ng dating nobya ni Daniel.

Komento ni Dominic, “Kapatid ko po yan. Bros [white heart emoji].”

Dominic Roque denies courting Kathryn Bernardo

PHOTO/S: SCREENGRAB @FACEBOOK

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na malapit na magkaibigan sina Dominic at Kathryn.

Nasa iisang barkadahan sila noon na kung tawagin ay Nguya Squad, kasama ang ex-boyfriend ni Kathryn na si Daniel at iba pa nilang celebrity friends na sina Patrick Sugui, Marco Gumabao, Joe Vargas, Alora Sasam, at Joshua Garcia.

Kasama rin sa grupo ang real-life couples na sina Khalil Ramos at Gabbi Garcia, Sofia Andres at Daniel Miranda, at Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

DOMINIC ADMITS FALLING OUT WITH DANIEL

Maaari ring nabigyan ng ibang kulay ang madalas na pagkikita ngayon nina Dominic at Kathryn dahil noong karelasyon pa ng aktres si Daniel ay bibihira naman silang magkita ni Dominic.

Ito’y dahil sina Dominic at Daniel ay mayroong hindi pagkakaintindihan bilang magkaibigan.

Pag-amin ni Dominic, 2020 pa noong simulang hindi sila mag-usap ni Daniel.

Personal itong inamin ni Dominic nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa Luxe’s Beauty & Wellness Group Thanksgiving Party noong January 20, 2024.

Natanong kasi siya noon kung imbitado ba sina Kathryn at Daniel sa kasal nila ni Bea Alonzo.

Makahulugang sagot noon ni Dominic, “Si Kath [invited].”

Sundot na tanong ng press, “Si Kath lang, kasi mas close ka sa kanya?”

Natatawang sagot ni Dominic, “Oo, kasi hindi pa naman kami okay ni DJ [Daniel].”

“I mean, we’re not talking since 2020. We haven’t seen each other for the longest time since 2020.”

Walang binanggit si Dominic na dahilan kung bakit hindi maayos ang pagkakaibigan nila ni Daniel.

Ngunit noong September 2021, nagsimulang mapansin ng netizens ang pag-iwas ni Dominic kay Daniel.

Mas nagliyab pa ang usaping may alitan sila nang i-unfollow nila ang isa’t isa sa Instagram.

Hindi natukoy kung kailan eksakto nagsimula ang alitan nina Daniel at Dominic, pero lumutang ito noong napaulat na magkarelasyon na sina Bea at Dominic.

Noong August 15, 2021, tinalakay sa isang vlog sa YouTube ang tungkol sa pag-unfollow nina Daniel at Dominic sa isa’t isa.

May lumabas pa noong isyu na ginhost umano ni Dominic ang nakababatang kapatid ni Daniel na si Magui kaya nagalit sa kanya si Daniel.

DOMINIC-BEA BREAKUP

Ang nasabing kasal nina Dominic at Bea ay hindi na natuloy nang magdesisyon silang maghiwalay.

Noong February 11, 2024, nag-post ang dalawa sa social media para kumpirmahin ang desisyong tapusin na ang kanilang relasyon halos pitong buwan matapos mag-propose ni Dominic kay Bea noong July 18, 2023.

Sa pamamagitan ng Instagram at Facebook, ibinahagi ni Bea ang mutual decision nila ni Dominic na maghiwalay.

Sabi sa kanilang joint statement: “After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement.

“It was not an easy decision.

“We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.

“Unfortunately, some even confirmed our breakup without our consent, and some created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families.”

Ngunit base sa pinakahuling ulat ng PEP, noong June 13, ukol sa kontrobersiyal na hiwalayan nina Dominic at Bea, napag-alamang si Dominic ang nag-initiate ng breakup nila.

Taliwas ito sa kumalat na impormasyong si Bea ang nagdesisyong hindi na ituloy ang nakaplano nilang kasal ni Dominic ngayong taon.

Si Bea ang mismong umamin nito nang makapanayam siya ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Naungkat ang tungkol dito nang mapag-usapan ang dagok na pinagdaanan ni Bea nang maghiwalay sila ni Dominic, at kung paano niya hinarap ang samu’t saring akusasyon sa dahilan ng breakup.

Isa raw sa nais tuldukan ni Bea ay ang kumalat na tsismis na siya ang tumapos sa higit apat na taon nilang relasyon ni Dominic.

Saad ni Bea: “Doon ako siguro mas naapektuhan, kasi maraming nag-i-spread ng false narratives about my life.

“And when you’re going through something really difficult in your life, and you have other people narrating it for you in a different way, very different from the way you see it, and very different from the truth, sobrang sakit niya.

“Kasi, yes, it affects you because it’s one thing to go through something silently, like a very, very huge heartbreak.

“But it’s another thing to be going through it in front of the public na iba yung narrative.”

Sundot ni Nelson, “And people forget na ikaw yung nakipag-break. Ikaw yung unang naapektuhan, e.”

Sa puntong ito nilinaw ni Bea na hindi siya ang tumapos sa relasyon.

Pagkontra ng aktres, “Actually, that’s false.

“That’s false. Hindi.

“Hindi ako ang nakipag-break.”

Mahihinuhang pati si Nelson ay nagulat sa rebelasyon ni Bea kaya muli niya itong tinanong: “So, hindi ikaw ang nakipag-break?

Sagot ni Bea: “Oo. Pero huwag na natin pag-usapan yon.”

Ninais ni Bea na huwag nang ungkatin ang paghihiwalay nila ni Dominic bilang respeto na rin daw sa kanilang pinagsamahan.

Sabi niya, “Let’s leave it in the past, and it’s amicable. Okay naman kami.

“I think it would be disrespectful to the relationship and to the other person to talk about it.

“It’s a very sensitive topic, and gusto kong bigyan ng respeto at gusto kong iwan sa magandang paraan what we had.”