Snooky Serna says her two daughters are not fond of showbiz.
Snooky Serna opens up about some pressing concerns in the entertainment industry that she wants to be addressed
Nagpakatotoo si Snooky Serna, 58, sa pagsasabi kung ano ang mga hindi niya gusto sa showbiz industry.
Sa YouTube vlog ni Pops Fernandez na in-upload noong July 7, 2024, naitanong kasi kay Snooky kung bakit ayaw subukan ng kanyang dalawang anak ang pag-arte.
“Ayaw nilang mag-showbiz. They’re not particularly fond of showbiz,” ang mabilis na sagot ng seasoned actress na nagsimula as child star sa edad na three years old.
Ang mga anak ni Snooky ay sina Samantha, 30, at Sachi, 27.
Ang ama nila ay ang dating asawa ni Snooky na si Ricardo Cepeda. Twelve years silang nagsama pero na-annul ang kasal nila noong 2006.
Ang follow-up question kay Snooky: Naging mabait ba sa kanya ang showbiz?
Aniya, naging mabuti sa kanya ang kinabibilangang industrya sa higit limang dekada, pero mayroon siyang mga hindi gusto rito.
“I’ve always been treated with concern, with understanding, with love, and support.
“I’m thankful that nakatagal ako ng ilang taon, nakatagal ako ngayon because I love acting.
“But it’s not necessary that I love everything about showbiz.”
Pagpapatuloy niya, “I hate manipulation, I hate the hypocrisy, I hate the long working hours na kung minsan hindi na makatarungan.”
Hindi na nagdetalye si Snooky sa dalawang unang nabanggit, pero may panawagan siya about working conditions.
Sabi niya, “Yun sana wini-wish kong mabago. I wish that sana our filmmakers, our producers, or people who are in higher authority to be more considerate of the actors.
“I feel for the talents. I feel for the crew members na they don’t have the luxury of having a standby area, lalo pa ang init ng panahon, malamig, hindi na natin makontrol yung pagka-weird ng weather ngayon.”
Matatandaan na noong February 2020, may pinirmahang joint memorandum circular agreement ang Department of Labor of Employment at Film Development Council of the Philippines.
Layon ng memo ang paglalabas ng guidelines para sa TV and movie productions pagdating sa trabaho.
Kasama na rito ang paglilimita sa working hours na hanggang 12-14-16 hours lamang.
Kung lalampas rito, kailangang may 25-percent increase sa hourly overtime pay ng kada tao.
May penalty ring PHP100,000 sa productions and producers na hindi susunod.
Sa kabila nito, lumalabas na may ilang productions pa rin ang hindi sumusunod sa guidelines.
Noong August 2023 ay nag-post sa social media ang cinematographer na si Neil Daza ukol sa pagtatrabaho nila ng halos 20 hours.
Dahil dito, muling nahalungkat ang tungkol sa long work hours.
SNOOKY HAS NO FAVORITISM WHEN IT COMES TO DAUGHTERS
Balik kay Snooky, sino sa kanyang dalawang anak ang paborito niya?
Sagot niya, “I always say this, magalit na ang magalit, but favoritism for me is sick…
“Kasi pareho iyang nanggaling sa womb mo, e. How in the world will you have favorites?
“Sabihin na natin yung isa mas malambing, yung isa mas maasikaso, but, ewan ko, I don’t get that favoritism thing. So para sa akin, pareho silang close [sa akin].”
Nabanggit din ni Snooky na pareho nang nakabukod ang kanyang mga anak sa kanya, pero hangga’t maaari ay naglalaan siya ng panahon para makasama sila.