Dominic Roque and Kathryn Bernardo

Dominic Roque (left) announced that Kathryn Bernardo (right) was invited to his wedding at a time when he and fiancee Bea Alonzo (not in photo) had already broken up, claims source. 
PHOTO/S: @DOMINICROQUE / @BERNARDOKATH INSTAGRAM

Usap-usapan ng netizens kung pinopormahan ni Dominic Roque, 33, si Kathryn Bernardo, 28.

Ito ay matapos makatawag-pansin ang Instagram post ni Dominic na kasama niyang mag-workout si Kathryn.

Nakahalo ang litrato nina Kathryn at Dominic sa series of photos ng aktor na nagpapakita ng highlights ng kanyang mga aktibidades para sa “HalfofJune.”

Dagdag niyang caption: “Life is Good…” at “#GodisGoodGodisGreat.”

Parehong naka-peace sign sina Kathryn at Dominic habang naka-plank position sa isang gym.

Dominic Roque and Kathryn Bernardo at a gym taken on June 2024

Dominic Roque and Kathryn Bernardo at a gym taken in June 2024 
PHOTO/S: @DOMINICROQUE INSTAGRAM

Hindi maiwasang pag-usapan iyon ng netizens, dahil marami sa mga ito ang nakaabang sa mga binatang napapalapit kay Kathryn.

Single at walang karelasyon si Kathryn.

November 2023 nang opisyal na kinumpirma nina Kathryn at Daniel Padilla ang kanilang breakup.

Dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inilabas namin noong Disyembre 2023 ang sinabi ng isang source na, sa ABS-CBN Ball pa lang noong September 30, 2023, hiwalay na ang couple.

Sa kabilang banda, si Dominic at fiancèe na si Bea Alonzo ay napabalitang naghiwalay noong early February 2024. Sabay nilang kinumpirma ito noong February 6 sa pamamagitan ng isang joint statement

DOMINIC’S CLOSENESS TO KATHRYN AND DANIEL

Matagal nang magkaibigan sina Kathryn at Dominic.

.