Paulo Avelino sends video greeting for Kim Chiu.

Kim Chiu gets emotional after It's Showtime birthday prod

Kim Chiu bursts into tears as family and close friends say their birthday messages for her on It’s Showtime.
PHOTO/S: SCREENGRAB @ABS-CBN ENTERTAINMENT YOUTUBE

Hindi napigilang maging emosyunal ni Kim Chiu sa sunud-sunod na birthday messages ng kanyang It’s Showtime co-hosts, pamilya, at ilang malalapit na kaibigan.

Nagdiwang si Kim ng kanyang ika-34 kaarawan noong April 19, 2024, ngunit ngayong Sabado, April 27, lang niya ito ipinagdiwang sa Kapamilya noontime show.

Bahagi ng selebrasyon ni Kim ang isang birthday prod sa It’s Showtime, kung saan ipinamalas niya ang galing sa aerial dance.

Sinorpresa siya rito ng kanyang nakatatandang kapatid na si Lakam Chiu at mga kaibigan na sina Bela Padilla at Kaladkaren.

Matapos nito ay isa-isa siyang hinandugan ng birthday wishes ng kanyang co-hosts sa It’s Showtime.

VICE GANDA SPEAKS IN SUPERLATIVES ABOUT BIRTHDAY GIRL

Naantig nang husto ang damdamin ni Kim sa mensahe sa kanya ni Vice Ganda.

Ani Vice, isa si Kim sa itinuturing niyang totoong tapat na kaibigan kaya’t hindi siya makapapayag na maagrabyado ito.

Buong mensahe ni Vice: “Happy, happy birthday. Mahal na mahal kita.

“Hangga’t kaya ko, ipaparamdam ko sa yo yun. Gusto kong maramdaman mo na minamahal ka. Kasi masarap sa pakiramdam yun, e.

“Gusto kong maramdaman mo yung sarap ng pakiramdam na yun ulit. At hindi matatapos na nararamdaman mo yun na minamahal ka, kasi kamahal-mahal ka, at mahal kita talaga.

“Susuportahan kita. Susuportahan kita lagi. Ipagtatanggol kita. Ipaglalaban kita.

“Tsaka, huwag kang magpapatalo sa takot. Normal lang naman na natatakot, pero huwag kang magpa-overcome sa takot, okay?

“You may not know what the future holds, but of course, for sure, you know who holds the future. Kaya hindi ka nila masisira. Kasi protektado ka ng Diyos.”

VHONG NAVARRO PERSONALLY THANKFUL TO KIM

Naging emosyunal naman si Vhong Navarro ng magpasalamat sa kabutihan ni Kim sa kanya bilang isang katrabaho at kaibigan, lalo na noong panahong lugmok siya.

Hiling din ni Vhong na dumating ang araw na matagpuan na ni Kim ang lalaking mamahalin at magpapasaya sa kanya, matapos niyang mahiwalay sa long-time boyfriend na si Xian Lim.

Mensahe ni Vhong: “Kimmy, happy, happy birthday. Alam ko meron darating para sa yo sa tamang oras, pag-ready ka na, ibibigay Niya yan sa yo.

“Pero salamat, Kimmy, kasi noong down ako, nandoon ka, hindi mo ako pinabayaan.

“May mga request ako sa yo, binigay mo, na dapat hindi mo na kailangan gawin. Pero dahil nanatili yung pagkakaibigan natin, nandun ka to support me.

“Kaya anytime na kailangan mo ako, nandito lang ako. I love you. Happy birthday.”

ANNE CURTIS FINDS A SISTER

“Newfound sister” kung ilarawan ni Anne Curtis ang turing niya kay Kim.

Ayon kay Anne, madali silang nagkapalagayan ng loob ni Kim dahil sa maraming bagay nilang pagkakapareho.

Saad niya, “Kimmy, to my newfound sister, sa pagiging team OA [overacting] natin. OA sa iyakan, OA sa sayawan, kantahan, everything, to becoming dancing sisters.

“I just want you to know that aside from your Ate Lakam, I will also be here as an ate for you.

“Anytime. Call me, I’m there. Mag-OA tayo anytime.”

KARYLLE INSPIRED BY KIM’S COURAGE

Mensahe naman ni Karylle, anuman ang marating ni Kim sa buhay ay lagi’t lagi siyang nakasuporta rito.

Sabi niya, “Kimmy, please continue to soar. Lahat ng katapangan mo, nakaka-inspire.

“Bawat pag-angat mo diyan, nakasuporta kami. We are cheering for you and just hoping that you will discover new barriers to break kasi grabe yung mga tinatahak mong daan.

“Happy birthday.”

Ilan pa sa co-hosts na nagbigay ng mensahe kay Kim ay sina Jhong Hilario, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC Muah, Lassy, Ion Perez, at Ogie Alcasid.

KIM’S SISTER AND FATHER’S BIRTHDAY MESSAGES

Nagbigay rin mensahe ang nakatatandang kapatid ni Kim na si Lakam.

Sabi nito, “Kimmy, as we all know, lahat naman tayo alam natin how big ang puso ni Kimmy. Eto lang masasabi ko, mahal kita.

“I know words are kulang to say thank you, but we’ll always be here for you. Maraming salamat.”

Kim Chiu gets emotional after It's Showtime birthday prod

Sorpresa ring binati si Kim ng kanyang amang si William Chiu via taped video message.

Mensahe nito para sa anak, “Kim, happy birthday. Bilang mahal ka namin at mahal ka ng lahat sana ay magkaroon ka na ng true love na mamahalin ka habambuhay.

“Thank you sa lahat ng tulong mo sa amin. Wish ko sa yo good health and more success.

“Proud kami sa yo. Congratulations, Kim. I love you.”

PAULO AVELINO’S BIRTHDAY MESSAGE TO KIM

Kinakiligan naman ang birthday message ni Paulo Avelino sa onscreen partner niyang si Kim.

Sina Kim at Paulo ay unang nagkatambal sa hit series na Linlang, at ngayon sa Philippine adaptation ng hit Koreanovela series na What’s Wrong With Secretary Kim?.

Short but sweet message ni Paulo kay Kim: “Happy birthday, Kim. I know you weren’t able to celebrate fully last year.

“It’s one of your most celebrated days of the year. So, hopefully, this year you get to celebrate with your family, with your loved ones.

“Yeah, I’ll definitely see more of you this year because we have a lot of work to do.

“My wish for you is… parang nasa iyo na lang. My wish for you is an even happier year.”