Kim Chiu: “Installment na lang natin ang pagbigay ng love. Hindi yung buo.”

Kim Chiu (left) says “wala naman na po” about issue linking her to “EXpecially For You” searchee Oliver Moeller (right).
PHOTO/S: ARNIEL SERATO / ROMMEL LLANES


Lagpas isang buwan nang hindi napag-uusapan ang pagli-link kay Kim Chiu sa dating searchee ng “EXpecially For You” na si Atty. Oliver Moeller.

Si Oliver ang contestant na napiling maging ka-date ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa special episode ng “EXpecially For You” sa unang araw ng pag-ere ng Kapamilya noontime show sa GMA-7 noong April 6, 2024.

KIM CHIU ON OLIVER MOELLER

Sa endorsement launch niya bilang ambassador ng BillEase sa Luxent Hotel, Quezon City, nitong nakaraang Martes, June 18, 2024, nausisa si Kim kung nagpaparamdam pa ba si Oliver sa kanya.

Nakangiti ngunit maiksing sagot nito, “Wala naman na po.”

So, hindi na nag-push through ito?

“Wala na po yun, opo,” sabi ni Kim.

Sa nasabing event, masasabing masaya si Kim kahit single siya ngayon.

Marami raw kasing endorsements at projects na dumarating sa kanya.

Nang tanungin kung ano ang “learnings” niya pagdating sa pag-ibig, birong sagot ni Kim, “Learnings? Installment na lang natin ang pagbigay ng love. Hindi yung buo, yes.”

KIM CHIU-OLIVER MOELLER TEASING

Noong naging searchee si Oliver sa “EXpecially For You” segment ng It’s Showtime, tinutukso na si Kim sa kapwa niya Cebuano.

Nakitaan din sila ni Vice Ganda ng chemistry.

Bukod kasi sa pareho silang single at successful ang career, parehas din silang taga-Cebu kaya, ayon sa netizens, hindi malabong magkapalagayan sila ng loob.

Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kay Oliver, diretsahan itong tinanong kung nililigawan na ba niya si Kim.

Kim Chiu, Oliver Moeller, Vice Ganda

PHOTO/S: COURTESY: IT’S SHOWTIME ON FACEBOOK