Sunshine Guimary nagluluksa sa pagkamatay ng asawa

NAGLULUKSA ngayon ang Vivamax star at Cebu based blogger na si Sunshine Guimary sa pagkamatay ng kanyang asawa na hindi binanggit ang pangalan.

Base sa Instagram post niya kagabi ay nakayakap siya sa kabaong ng asawa na malapit sa mukha nito.

Ang caption ni Sunshine ay, “See you soon babe (emoji heart)”.

Bukod sa post nitong kabaong na punumpuno ng bulaklak sa paligid ay pinost din nito ang larawan nan aka-wedding dress siya na papasok at larawang hinalikan na siya ng asawa.

Matatandaang nakilala si Sunshine sa mga pelikulang “Kaka”, “House Tour”, “Shoot Shoot”, “What If” at “Hello Universal” noong 2021 hanggang 2022.

Bale ba nitong Hunyo 19 ay 1st death anniversary ng ama na pinost pa niya sa kanyang IG stories, “Today, June 19 Papa death anniversary,”

 

Bale ba nitong mga nakaraang araw ay ang saya-saya pa ni Sunshine base sa mga posts nitong larawan kung saan dumalo siya ng launching ng produktong eyewear na ini-endorso niya.