Xian: “I do not deserve the false accusations, the lies being spread.”

Xian Lim getting death threats after split with Kim Chiu

Xian Lim (right) on his breakup with Kim Chiu (left): “It’s sad, very painful, but life goes on.”

Katakut-takot raw na pambabatikos at pagbabanta sa buhay ang inabot ng Kapuso actor-director na si Xian Lim matapos niyang mahiwalay sa long-time girlfriend na si Kim Chiu.

Ito ang ibinahagi ni Xian sa eksklusibo niyang panayam kay Nelson Canlas sa GMA Integrated News nitong June 6, 2024.

Pinipilit daw ni Xian na huwag nang magsalita o ungkatin pa ang masakit na hiwalayan nila ni Kim, ngunit hindi naman raw tama na manahimik siya at pabayaan na lang ang samu’t saring akusasyong ibinabato sa kanya na wala namang katotohanan.

Hindi sinabi ng aktor kung anu-anong akusasyon ang natanggap niya, ngunit apela niya, hindi niya ito deserved, lalo na’t bukod sa kanya ay nadadamay na rin daw ang kanyang mga mahal sa buhay, lalo ang kanyang pamilya.

Saad ni Xian: “I do not deserve the false accusations, the lies being spread.

“I work really hard. We are all working really hard. I don’t want to be defined by what happened with my breakup or my previous relationship.

“I don’t want to be defined by what people are saying about me—these false headlines, o kung ano man.”

Dagdag pa niya: “Sige, ako na po yung tirahin nila, but not my family.

“Just giving a little context, nadadamay na rin kasi yung nanay ko pati yung lola ko. They’re getting personal messages. I’m getting death threats.

“My mom’s getting death threats. Umaabot na sa ganon.

“That’s the gravity of the situation I’m dealing with now. My family doesn’t deserve all the made-up lies. Ayoko na mandamay pa ng iba.”

XIAN ADMITS TALKING ABOUT HIS BREAKUP WAS DIFFICULT

Paglilinaw pa ni Xian, hindi siya nagsasalita ngayon para mag-ingay at mapromote ang upcoming film niyang Playtime.