It’s Showtime “will continue to air in GMA in 2025”

May hatid na magandang balita ang GMA Corporate Communications sa publiko: patuloy pa ring mapapanood ang Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa Kapuso network sa taong 2025.

Ayon sa ipinadalang mensahe ng GMA CorpComm sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes ng umaga, December 20, 2024, tuluy-tuloy pa ring magpapasaya sa Kapuso at Kapamilya viewers ang noontime show sa taong 2025 sa bakuran ng GMA-7.

Buong mensahe nila: “It’s Showtime will continue to air in GMA in 2025! Maligayang Pasko, madlang Kapuso at Kapamilya!”

It's Showtime still with GMA

VICE GANDA: “hindi totoong may utang ang It’s Showtime sa GMA.”

Noong December 17, 2024, sinabi ni Vice Ganda na may inihanda umanong regalo sa It’s Showtime si senior vice-president ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes.

Ito ay sa gitna ng alingasngas na baka hindi na umano ma-renew ang blocktime contract ng It’s Showtime sa GMA.

Sa biruan nina Vice, Kim Chiu, at Vhong Navarro sa stage ng “Tawag ng Tanghalan,” napansin nilang sobrang makintab ang entablado.

Komento ni Vice, “Paano ba namang hindi kukutitap, ang kintab ng stage na to, parang natapunan ng syrup ng hotcake.”

Pagsang-ayon ni Kim, “Makinang.”

Dagdag ni Vice, “Mas makintab sa bunbunan ko pag 3:30 ng madaling-araw.

“Budgeted na tayo dito, budgeted.”

Sabi naman ni Vhong, “Budgeted na tayo dito, umaasenso na tayo.”

Sabi pa ni Vice, “Let’s claim it na umaasenso tayo.”

Dagdag ng comedian-TV host, “At hindi totoong may utang ang It’s Showtime sa GMA.”

Pagsegunda ni Kim, “Oo nga, sino ba kasi nagpakalat nun?”

Pagkatapos nito ay biglang binanggit ni Vice si Annette.

Aniya, “Bongga talaga to si Miss Annette! I love you, Miss Annette.”

Makahulugang dagdag ni Vice, “Huwag kayong mag-alala, may pamasko si Miss Annette.”

Nag-thank you naman si Kim nang marinig ang sinabi ni Vice.

ANNETTE GOZON-VALDES: “Wala silang utang, wala.”

Noong December 15, 2024, iniulat ng PEP Troika na “mukhang sure to go” na ang renewal ng It’s Showtime sa GMA-7.

Sabi niya, “May hinintay kaming data kaya natagalan kami bumalik sa kanila. Pero siguro mga 95 percent ano na yan.

“Wala namang problema kasi, e. Konting ano lang, konting pag-uusap lang. Andito sina Carlo, nag-uusap kami.”

Ang “Carlo” na tinutukoy ni Miss Annette ay ang ABS-CBN president na si Carlo Katigbak.

Ayon pa kay Miss Annette, walang problema sa ratings ng It’s Showtime.

May tinitingnan lang daw sila sa data at ilan pang pag-uusap sa terms bago nila ma-finalize ang renewal.

Aniya, “Pagdating sa ratings, wala kaming problema. Yung ibang mga ano yung ano namin, mas tungkol sa new terms. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Sa ratings, walang problema, kasi ang taas-taas ng ratings ng Showtime.”

Nilinaw rin ni Miss Annette na walang pagkakautang ang It’s Showtime sa GMA-7, taliwas sa mga kumakalat na usap-usapan.

Hindi lang niya idinetalye kung ano ang nasa data na tinitingnan nila.

“Wala, wala, wala! Wala silang utang, wala,” sabi ng GMA-7 executive.

Related Posts

Our Privacy policy

https://newsjtv.com - © 2024 News